^

Kutob

Hunyo 5, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: ‘Di ako panghihinaan, anuman ang lumantad na pagsubok. Dahil may Dakilang Manlilikha akong nagmamalasakit sa akin.

GEMINI (Abril 21- Hunyo 21) – Dahil mahalaga at maselang bagay ang iyong kakaharapin dapat lamang maging sigurista. Hangga’t maaari ilagay sa kasulatan kung ano ang napagkasunduan. Makakasakit ka ng damdamin ng kapwa, ngunit dapat lamang ang iyong pasya dahil nasa panig mo ang katuwiran. Lucky numbers at color for the day ay 19, 27, 36, 44 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Hindi lahat ng gusto ay makakamit o makukuha. Kung may tiyaga at magsisipag, hindi imposibleng mapasakamay ang nais kahit paunti-unti. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 40 at cream.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag ipagkait sa sarili ang kaligayahang dapat matamo. Ang sariling kapakanan ang dapat unahin bago ang iba. Kung may gustong bilhing gamit para sa sarili, gawin. Huwag maging martir dahil magiging daan ito ng pang-aabuso sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 9, 42 at fuchsia.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – May hahanga sa iyo at mapapatibok mo ang kanyang puso. Mag-ingat at baka mabitag ka. Walang masama kung alamin muna ang tunay na pagkatao at tunay na damdamin, bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 25, 40 at peach.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung magi­ging pabaya, madidisgrasya ka sa matalas o matulis na bagay, kaya mag-ingat. Mag-ingat ka sa mga bagay na mayroon ang iba na wala ka, subalit kung daragdagan ang pagsisipag at pagtitiyaga, hindi magtatagal magkakaroon ka. Iwasan ang manira o tapakan ang ulo ng kapwa nang dahil sa inggit sapagkat may karma kang babayaran. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 34, 44 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may hindi magandang nararamdaman, kumunsulta kaagad para hindi lumala at mauwi sa mabigat na sitwasyon. Kung maganda ang pakiramdam, mag-ingat dahil mapupurnada ang mga binabalak o gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 23, 34 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang anyo at kaayusan ay salamin ng sariling kalooban, mukhang napapabayaan mo na ito. Lalo kang hahangaan kung babaguhin ang istilo ng iyong pag-aayos sa sarili. Magiging komportable kang makipag-usap o makiharap kahit kanino kung presentable. Lucky numbers at color for the day ay 16, 22, 33, 42 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung hindi mag-iingat, malalagay sa kumpromiso ang iyong hanap-buhay. May panahon pa upang baguhin ang dapat baguhin sa hanapbuhay para hindi malagay sa alanganin. Huwag aksayahin ang panahon, kumilos kaagad bago ma­ging huli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 37, 39 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Walang problema sa araw na ito sa trabaho o tahanan. Masaya kang makihalubilo sa mga kasamahan, kaibigan at kasambahay. Malaki ang iyong panahon sa gustong gawin. Mag-ingat ka lamang sa iyong pagkilos dahil nakasunod ang anino ng aksidente o sakuna. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 33, 43 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May lalapit at hihi­ngi ng tulong pinansiyal o payo. Kung may magagawa, huwag tanggihan ang taong lalapit. Dahil tataniman ka ng magandang binhi na balang araw, ikaw ang makikinabang o aani. Kung ano ang itatanim mo ngayon ay siya mong aanihin sa darating na mga araw. Lucky numbers at color for the day ay 13, 23, 43, 42 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang mabigat na pagsubok sa trabaho, personal o pag-ibig ang darating. Dito ka hahangaan sa kagalingan ng iyong pagdiskarte, kaya ang magandang gawin ay maging mahinahon, isiping mabuti ang kahihinatnan ng gawain bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 26, 37 at sky blue.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May mga masasagasaan ka sa iyong desisyon, ngunit tama lamang ang iyong gagawin dahil sariling kapakanan ang nakataya at naaa­yon sa katuwiran. Hindi ka magkakamali sa iyong gawain ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 27, 38 at peach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with