^

Kutob

Hunyo 4, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Anumang kabigatan ay gumagaan sa tulong ng Maykapal.

GEMINI (Abril 21- Hunyo 21) – Umaayon ang panahon para pagtuunan ng pansin ang kalusugan. Pag-aayos ng tahanan ang pagbalingan ng atensiyon. Mapagtutuunan ng pansin ang nutrisyon at pag-e-exercises. Maisasaayos at maipaplano ang mga dapat gawain. Pag-aralan ang aspetong pang-ekonomiya ng pamilya kung kailan maglalabas at magtatago ng salapi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31, 39 at fuchsia.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Aanihin ang itinanim. Kung ano ang ginawa ay siyang mangyayari. Iwasan ang sobrang mapaghinala sa kapareha o sa kapwa. Mauubos ang oras sa pag-aayos ng mga kagamitan. May dapat pasalamatan na may kinalaman sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 15, 37 at violet.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung magiging positibo ang pananaw, magsisimula ng maayos ang takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Huwag kalimutang magpasalamat sa Maykapal sa mga biyayang tinatamasa. Sa gabi, maligaya ang pagsasama ninyo ng minamahal o ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at rose quartz.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mahalagang pag-usapan ang tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresulba ng suliranin. Daragdag sa problema ang perang hiniram o pinahiram na hindi mababayaran. Iwasan maging matamlay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 31 at indigo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ilang pagbabago ang mangyayari sa aspeto ng pag-ibig, dahil hindi tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag na sikreto o makakatuklas ng sikreto ng iba. Mapagtutuunan ng pansin ang pinag-ugatan ng maling balita o pangyayari sa personal na buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 14, 18 at Jade green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maisasakatuparan ang gustong mangyari. Malakas ang angking ESP kaya sundin ang kutob at tiyak hindi magkakamali. Magbibigay ng swerte o galak ang kapwa Scorpio o isang Gemini. Magkakaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 28, 35 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maganda ang aspetong pinansiyal. Magkakaroon ng pagkakataon na kumita ng ekstra. Maaaring malito  sa schedules o sa trabaho. Maisasaayos ang kaunting gusot sa trabaho o sa suliraning pang-puso. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 21, 25 at bright yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag iisantabi ang suliranin sa pera. Dahil maaaring ang isang himala kung patuloy na magiging masipag, disiplinado, debutado at loyal. Gawing presentable ang sarili para magkaroon ng tiwala ang koneksyon o taong makakausap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 21, 23 at scarlet.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iwasan ang balak na pumasok sa aktibidad na magastos. Makakabuting suriin muna ang budget upang hindi mapasubo at walang pagsisihan. Pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng professional skills. Iba kaysa sinabi ang motibo ng taong nangako sa usapan. Lucky numbers at color for the day ay 21, 24, 30, 39 at yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magbibigay ng magandang kontribusyon ang ipinanganak sa ilalim ng kapwa Pisces o Virgo. Doblehin ang pag-iingat kung ang pangalan ng kaibigan ay nagsisimula sa B, V o M. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang may unang titik na A, N at W. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 21, 36 at pink

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ngayon mauunawaan na hindi lahat ng ugali ay katulad sa sarili. Mapapatunayan na ang pangako ay mapapako at hindi matutupad. Kung hindi makapagpipigil may makakasagupa na hindi pinangarap makabangga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 39 at pale yellow.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang maririnig na kapintasan at kahinaan ng minamahal ay tsismis at walang katotohanan. Paraan lamang ito upang ikaw ay manlamig. Ang pakikipagtikisan sa nakakataas sa tungkulin ay unang makakaaapekto sa sarili. Sundin ang patakaran at alintuntunin nang pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 25, 36 at red.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with