^

Kutob

Mayo 30, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Umulan o umaraw, ayos lang. Iniingatan ako ng Maykapal sa tuwina.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Marami ang nakakapuna sa pagbago ng ugali, huwag ilagay sa ulo ang natanggap na swerte o katanyagan dahil mawawala ito  kung paiiralin ang masamang ugali. Magpakumbaba, alalahanin na laging nakasuporta ang mahal sa lahat ng pangarap. Lucky numbers at color for the day ay 06, 15, 26, 41 at Pink.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon, huwag lang sosobra sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makakatulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 08, 10, 16, 33, at Indigo.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maganda ang iyong personalidad ngayon, na aakit sa mga kaibigan lalo na sa humahanga sa iyo. Tanggihan ang hindi gusto o labag sa kalooban upang maiwasan na mapahamak sa pag-ibig. Ang may initial na N o W ang may lihim na paghanga at malamang magtapat ng saloobin sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 07, 20, 37, 39 at Orange. 

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung ina­akalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makabubuting pag-isipan muna ng maraming ulit bago magdesisyon. Hindi ang opinyon ng kaibigan tungkol sa pag-ibig ang dapat sundin, dahil sarili ang nakataya. Kung bukal sa puso ang gagawin, walang dahilan para patagalin. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 43, 39 at Green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Huwag asahang sasagutin ka ng nililigawan dahil marami kang kaagaw. Ipakita ang totoong ugali at tiyak magugustuhan ka. Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 08, 13, 25, 36 at Blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o minamahal upang hindi mauwi sa walang imikan. Ang kaila­ngan minsan ikaw ang magpakumbaba. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagwawalang-imik. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 36, 42 at Ocean blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Isang suliranin na matagal nang bumabagabag ang mareresulba. Malaki ang pasa­salamat ng minamahal dahil sa ginawang tulong. Maa­aring magkaroon muli ng ibang suliranin, ngunit walang maaasahang tulong mula sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 31, 38 at Violet.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibi­gan. Bagay kayong dalawa kaya’t walang magiging problema. Kung tiyak ang sarili, walang dahilan para tumanggi. Tanggapin ang inaalok kung inaakalang liligaya. Lucky numbers at color for the day ay 16, 27, 35, 41 at Magenta.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap ng problema. Dahil hindi makakapag-isip ng magandang solus­yon. Alalahanin na laging nakasuporta ang minamahal, kaya walang dapat ipangamba. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 38, 42 at Fuchsia.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag mag­damdam kung sakaling hindi matutupad ang pangako. Alamin ang dahilan bago magdesis­yon. Huwag basta magalit kung walang paliwanag ang kabilang panig, makinig sa katwiran ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 33, 41 at Brown.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Maging mahina­hon at magpasensiya kung may hindi pagkaka­unawaan, na malamang biglang susulpot mula sa kasamahan o sa kasambahay. Lalong lalala ang hindi pagkaunawaan kung idadaan sa dahas o init ng ulo. Iwasan na makapagsalita nang ikasasakit ng damda­min ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 05, 19, 22, 41 at Yellow.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Sa magandang pag-uusap mareresulba ang problema. Ang panlalamig ng kabiyak o minamahal ay kasalanan mo. Hanapan ng paraan upang maibalik ang dating tamis at init ng pagmamahal, kung nasa kalooban na ayaw ng broken home o broken hearted. Lucky numbers at color for the day ay 01, 09, 29, 40 at Lavender.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with