^

Kutob

Mayo 27, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Marami man sa mga plano ang hindi umusad, alam kong may higit na mabuting plano ang Maykapal para sa akin. Maghihintay ako nang may buong pananabik hanggang ipagkaloob Niya ito.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ngayon pa lamang dapat paghandaan ang mga gastusin sa mga aktibidad ng mga mag-aaral. Simulan ang pag-iipon para sa obligasyon sa mga pinapaaral para hindi sumakit ang ulo pagdating ng panahon. Anuman ang kalagayan mo, mabuting pagkakakitaan dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 16, 29, 35, 37 at Sky blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Habaan ang pasensya upang mapaglabanan ang mga kabiguan sa buhay. Bawasan o putulin ang mga oras na ginugugol sa libangan o walang kabuluhang mga bagay para maharap at maasikaso ang mahalagang responsibilidad. Kung lahat ng ito ay magagawa, tatahakin ang tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 15, 25, 30, 40 at Blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Baguhin ang desisyon, lalo na kung ang resulta ay hindi patas sa kasamahan, kasambahay o kaibigan. Malamang sumpungin at umiksi ang pasensiya. Pero kakikitaan naman ng sigla dahil ang naudlot na lakad ay matutuloy. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 21, 22, 40, 42 at Aqua blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mapapabilang ka sa mga taong maaaring kumita nang malaki ngayong araw. Taglay mo ang positibong karisma kaya madali kang makahikayat ng kausap lalo na sa mga customers. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 40, 41 at Neon green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Masasangkot ka sa isang situwasyon kung saan magagamit ang kahusayan sa pananalita at diplomasya. Maganda ang takbo ng pananalapi. Isang Aries o Scorpio ang magkakaroon ng malaking bahagi ng iyong aktibidad. Wala kang mairereklamo sa takbo ng relasyon o sa buhay may asawa. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 34, 39 at Jade green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May hadlang sa iyong plano o gagawin, lalo na kung tungkol sa napag-usapan ninyo ng minamahal. Ang sigalot sa paligid ang siyang magiging dahilan sa pagliban ng ilang mahahalagang bagay. Mag-ingat sa mga matutulis at matatalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 19, 20, 36, 40 at Yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang makikilala mo ngayon ay nagtataglay ng mga katangiang hinahanap mo sa iyong mamahalin. Malamang ma­­k­a­tagpo ang soulmate o twin flame. Kung titibok ang puso sa isang nilalang, huwag nang pakawalan dahil tiyak ang magandang buhay sa kanyang piling. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 39, 41 at Brown.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maging tapat at huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung may galit, hindi masama kung gustong ihayag ngunit hangga’t maaari, iwasan ang magmura. Magkakaroon ng linaw ang matagal nang suliranin tungkol sa pag-ibig. Sa dapit-hapon magiging maaliwalas ang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 33, 34 at Red.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung marumi ang kapaligiran, mag-ingat dahil madali kang kapitan ng sakit mula rito. Makakabuti na ilaan ang panahon sa paglilinis ng kapaligiran sa tahanan o sa pinapasukan. Pangalagaan ang kalusugan na siyang tanging puhunan sa hanap-buhay. Magsimula ka nang magtipid para hindi kapusin sa darating na gastusan ng mga nag-aaral. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 23, 44 at Orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag magpapakita ng pagkainis o pagkapikon sa kaibigan o kasamahan na nambubwiset. Dahil hindi ka tatantanan hanggang mawalan ng pasensya. Tawanan ang nang-aasar, huwag pansinin at tiyak na magiging maganda at maaliwalas ang buong araw mo. Kung may negosyong sisimulan, uunlad. Lucky numbers at color for the day ay 13, 24, 35, 36 at Indigo.

ARIES (Marso.21- Abril 19) – Isang kapamilya ang mabibigyan mo ng kasiyahan. Kung balak magnegosyo, pag-aralan muna nang mabuti at mangalap ng mga mahalagang impormasyon bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 33, 34 at Green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Bagaman paminsan-minsan nakakarinig ng hindi magandang salita mula sa pamilya ng asawa, maaasahan na walang sigalot sa love-life at mananatili ang harmoniya ng pagsasama. Iwasan ang mga talakayan na walang maidudulot na kabutihan. Hangga’t maaari, tumahimik. Lucky numbers at color for the day ay 19, 24, 32, 33 at Red.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with