^

Kutob

Mayo 23, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Gaano man kainit ang panahon, pinupuri ko ang Manlilikha ko dahil sa mainit din na pagtanggap ng mga client ko sa aming serbisyo.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Gumawa na ngayon ng pasya para sa sariling kapakanan, kung lagi na lang pinuproblema ang katamaran at pagiging iresponsable ng ka-partner. Huwag manghinayang kung ang kapalit ay sari­ling kaunlaran at kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 23, 30, 41 at Blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Wala kang dapat alalahanin, sapat ka sa lahat ng bagay. Huwag lamang pasukan ng malas. Pahinga, sariwang hangin, sari­wang gulay at prutas ang kailangan para manumbalik ang ener­hiya kung matamlay ang pakiramdam. Ang matagal nang gumugulong suliranin ay may pagkakataon na mapag-isipan para mabigyan ng magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 22, 13, 17, 28 at Turquoise.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Tumupad ka sa iyong pangako nang sa gayon ay hindi na maulit ang pagta­tampo sa iyo ng minamahal. Ang usapan ay larawan ng pagkatao na dapat gawin at kung sakaling hindi magawa, huwag mangako o sabihin na hindi kayang gawin. Sablay sa pagtupad kung mangangako ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 02, 22, 31, 41 at Green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Bukal sa loob na gustong makatulong ngunit kapos pa rin kahit sa sarili. Hindi masama ang makatulong, ngunit tiyakin na masagana at may sobra na maaaring ipamahagi sa iba. Unang intindihin ang sarili, bago ang iba. Kung kapos ka nga­yon, pero kung magsisipag at magtitiyaga, tiyak makakaraos. Lucky numbers at color for the day ay 08, 15, 24, 35 at Blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Magiging ista­blisado ang tungkol sa trabaho at pag-ibig, kaya walang dapat alalahanin tungkol dito. Kung nahihirapan sa pakikisama sa ilang kamag-anak o kasambahay, mabuting iwasan na lamang sila at bigyang limitasyon ang pakikitungo sa kanila kaysa gumawa ng gulo o awayin sila. Lucky numbers at color for ther day ay 04, 18, 28, 34 Jade green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Iwasan muna ang plano’t balak sa paglalakbay. Dahil nega­tibo ang resulta sa sadya. May mas importanteng dapat harapin at hindi dapat makaligtaan. Para hindi masayang ang panahon, gugulin ito sa isang proyekto. Kung naga-apply ng bank loan, maaaprubahan. Tiyakin lamang na kayang-kaya itong mabayaran nang hulugan. Lucky numbers at color for the day ay 07, 15, 35, 36 at Purple.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ka­yang-kaya mo ngayon, na magantihan ang kabutihan ng isang tao na naging karamay mo sa isang problema noon. Mabubuksan ang magandang oportunidad dahil sa kahusayan at kakayahan sa pakikipag-komunikasyon. Hahangaan ka ng mga kasamahan o kaibigan sa ginawang kabutihan. Lucky numbers at color for the day ay 02, 18, 28, 36 at Indigo.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung may mag-aalok ng magandang pagkakakitaan, huwag sung­gaban dahil posibleng ikapapahamak mo ito. Mara­ming tao sa paligid na ang trabaho ay makapagsamantala at ‘di malayong ikaw ang kanilang pakay ngayon. Kaya mag-ingat at maging alerto. May pangyayaring magdudulot magandang aral. Lucky numbers at color for the day ay 02, 10, 18, 41at Red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Isang Sagitta­rius ang malamang magbigay ng problema o sakit ng ulo. Lilibangin o bibigyan ka naman ng tuwa o kaligayahan ng isang Taurus. Malaki ang magiging impluwensya sa hanap-buhay o pag-ibig ng isang Libra o Gemini. Lucky numbers at color for the day ay 04, 10, 24, 30 at Avocado green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Bugbog sarado ka ngayon sa usap-usapan ng mga kapit-bahay o mga kaibigan tungkol sa iyong ginawa. Kung tungkol sa kabu­tihan o kasamaan, ikaw na ang makapagsasabi at makapagpapatunay. Ang mahalaga ay aminin kung totoo, maging ito ay tama o mali. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 37, 39 at White.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ang simpleng pamumuhay na walang halong pagkukunwari ang mas makakapagpaligaya sa iyo. Kung naging suliranin noon ang pananalapi, magiging magaan naman ang pasok nito sa iyo simula ngayon. Galit ka sa taong mapagkunwari at may pagka-plastik, mag-ingat dahil malapit ang mga ito sa iyo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 06, 09, 23, 38 at Magenta.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang paglalaro o paki­kipagtsismisan sa oras ng trabaho lalo na kung nag­o-overtime ay dapat iwasan. Alalahanin sa bawat sulok na pinapasukan ay may mga nakatagong mata ang pamumu­nuan na nagmamasid kung karapat-dapat ka sa kanilang pasahod. Mahalin ang trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 04, 14, 28, 38 at Lavender.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with