PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mayo 20, 2017

Pagtitibay: Hindi ko man mapigil ang gastusin, wala rin naman makakahadlang sa grasyang ibubuhos ng Maykapal sa akin.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutunan. Kung gustong magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 06, 10, 23, 41 at Yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mahalaga ang magplano at isipin na makaiwas sa pagsasayang ng oportunidad o oras. Huwag magmadali kung sa tingin ay may magandang oportunidad na darating. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 34, 45 at Purple.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag kaagad susuko. Maging mapagtimpi sa pagharap ng pagsubok. Alalahanin na hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin sa buhay ay makukuha sa isang iglap lang. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 37, 44 at Jade green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makakakilala nang makapagpapatibok ng puso. Lahat ng gustong gawin, ipagpatuloy dahil magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 09, 17, 24, 38 at Brown.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang-halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi nagustuhan ang nasa iyo, hanapan ng paraan para makamit ang gusto sa magandang paraan. Huwag manira ng kapwa dahil sa inggit. Lucky numbers at color for the day ay 05, 13, 34, 41 at Pink.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan  sa buhay. Siya ang magsisilbing guro upang matutuhan ang maraming bagay sa paligid. Lucky numbers at color for the day ay 07, 19, 27, 32 at Violet. 

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag labis na mag-pokus sa isang bagay, dahil mababalewala ang iba. Huwag magmadali dahil lalo lamang magkakamali. Lucky numbers at color fort the day ay 15, 27, 35, 40 at Green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutu­nguhan. Maraming daan sa landas ng tagumpay, subalit ang nag-iisang landas na sadyang inilaan sa iyo ay siya pang kinakatakutan mong tahakin. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 02, 13, 25, 33 at Maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Nasa iyo ang katangian at kakayanan, kailangan lamang pag-ibayuhin. Tiyakin na may kakayahan ka na pamunuan ang lahat at maisaayos ang mga bagay. Lucky numbers at color for the day ay 09, 23, 36, 42 at Blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ng bulkang sasabog. Panatilihin na nasa maayos ang mga bagay at maging positibo ang pananaw dahil magugulat ka na lamang kung paano ito makakatulong sa pagbabago ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 30, 37 at Red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Bigyang pansin ang ibang mga bagay na maaaring makatulong sa katuparan ng pangarap. Lahat ng gagawin ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 05, 14, 28, 40 at Indigo.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan nang lubusan. Dahil magsasayang lang ng pagod at oras. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ay 09, 18, 27, 33 at Orange.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: