^

Kutob

Mayo 16, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Bagaman gipit, hindi nauubusan nang paraan ang Maykapal na busugin ang sikmura naming mag-anak, tunay siyang nagmamalasakit.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Pag-aralan nang mabuti ang iyong damdamin at saloobin tungkol sa kanya. Huwag magpadalus-dalos sa iyong iniisip. Ang biglaang desisyon ay magbibigay ng kapahamakan. Huwag damdamin o sasama ang loob kung may magpapayo o magbibigay ng suhestiyon. Lucky numbers at color for the day ay 15, 29, 32, 41 at Yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May nakaabang na pa­nganib sa relasyon at upang maiwasan, huwag makipag-ugnayan sa minamahal o kasosyo. Kung hindi maiwasan ang makipag-ugnayan, maging mahinahon at pairalin ang diplomasya. Kung may marinig na masakit na salita, palampasin sa kabilang tenga at huwag pansinin. Lucky numbers at color for the day ay 18, 20, 26, 33 at Indigo.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mahihirapan kang makitungo sa mga taong nakapaligid sa iyo, ngunit magi­ging masaya at masipag ka naman sa gawaing ipinapagawa sa iyo. Huwag pansinin ang nasa paligid, pansinin ang sarili at ginagawa. Kung may inaasahan kang darating, hindi mabibigo. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 26, 41 at Pink.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Hindi mapipigilan ang tukso na darating. Ngunit makapagpipigil ang sarili kung gagamitin ang tamang pag-iisip at hindi ang puso’t damdamin. Kung madadala sa tukso, asahan ang simula ng kalbaryong idudulot hindi lamang sa relasyon, kundi sa buong pamilya. Ipikit ang mga mata at taimtim na manalangin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 33, 39 at Green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Huwag biguin ang alok ng kaibigan, kapamilya o kasosyo dahil may mapapala ka rito, maliban kung labag sa batas ng tao. Maaasahan na darating ang hinihintay. Iwasan ang masangkot sa gulo ng kapit-bahay o sa taong nakapaligid. Lucky numbers at color for the day ay 17, 20, 36, 39 at Orange.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Dahil sa kakapusan, magiging sensitibo ka sa bagay na may kinalaman sa pinansyal. Mawawalan ka rin ng suporta sa mga taong inaasahan mo. Gayunpaman, isipin na ang pangyayari ay isang gintong aral at magiging daan nang pansariling sikap at hindi umaasa sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 36, 42 at Ocean blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mababakas ang labis na kalungkutan sa iyong mukha. Pag-aralan nang mabuti ang sariling damdamin at ng minamahal. Gaano man kasakit ang tugon, magiging makatotohanan ka. Walang dahilan para patagalin ang buhay sa relasyon kung palaging kalbaryo ang nararanasan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 23, 25, 36 at Beige.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung may suliranin tungkol sa pag-ibig, madali kang makakahagilap ng tamang solusyon. Kung ang suliranin ay tungkol sa pinansyal, wala kang mahahagilap na solusyon mula sa iba maliban sa sarili. Huwag kang maging emosyonal dahil lalo lamang madaragdagan ang problema, dahil malaki ang magiging epekto sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 7, 35, 41 at Magenta.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – May kapalpakan kang magagawa kung hindi mag-iingat. Repasuhin ang dapat gawin lalo na kung maselan at mahalagang bagay. Pag-isipan muna nang mabuti ang dapat at hindi dapat galawin o gawin. Dahan-dahan at iwasan ang magpadalus-dalos na pagkilos at pagdedesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 34, 38 at Violet.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag kang gaanong magtiwala sa mga kasamahan sa trabaho. May naghahangad na maagaw ang iyong puwesto at kung pababayaan, malamang maangkin ng iba. May panahon ka pang makabawi kung pag-uukulan ng pansin ang pagkukulang. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 33, 41 at Brown.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Susumpungin ka ngayon, tatamarin o madaling mag-init ang ulo. Upang maiwasan, makakabuting mag-ehersisyo hangga’t lumabas ang pawis. Kung susundin ang payo, magiging masigla, kabigha-bighani ang anyo, madaling makausap at walang magiging problema. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 38, 42 at fuchsia.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kailangan mo ngayon ang tulong ng iba sa iyong problema. Ang tamang suhestiyon o payo ay siyang makakalutas sa iyong suliranin. Upang magkaroon ng tamang gabay, kumunsulta sa psychic. Huwag sarilihin ang problema dahil hindi mo kayang lutasin nang mag-isa. Lucky numbers at color for the day ay 10, 9, 29, 40 at Lavender.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with