^

Kutob

Mayo 13, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Nag-umapaw ang biyaya sa buhay ko.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Pag-isipan nang mabuti ang mungkahi o suhestiyon. Kung maganda ang idudulot, tanggapin. Subalit kung inaakalang walang mapapala, tanggihan. Huwag magpadalus-dalos ng pasya, dahil kapakanan ng sarili ang dapat isaalang-alang. Kung may duda, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at Violet.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Sasama ang iyong mood o pakiramdam sa sitwasyon ngayon. Kailangan ang payo nang higit na nakakaalam sa iyong  problema. Walang mangyayaring solusyon kung magpapadala sa bugso ng emosyon. Makakahagilap ng katugunan sa problema mula sa ibang tao. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at Green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Lingunin ang pinanggalingan at iwasan ang maghangad na lumipad ng mataas dahil kung babagsak, sabog ang lahat ng pangarap. Magpakatotoo at iwasan ang pagkaplastik at pagsisinungaling dahil bukod sa niloloko ang kapwa ay niloloko rin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at Gray.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar upang maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali, maliban sa pagsusugal ay inaayunan ng panahon. Positibo ang resulta nang lalakarin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at Orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal, kaya dapat alagaan nang hindi masira. Magiging maligaya ang tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at Red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung haharapin ang dapat harapin, lalo kang makikilala dahil sa iyong talino at husay. Iwasan ang magbigay ng opinyon sa taong hindi lubos na kilala dahil kabaligtaran ang kanyang akala sa hangad mong makatulong. May surpresang darating. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at Peach.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May masaya at malungkot na mangyayari. Malamang may magandang balita na matatanggap na ikakasaya. Malamang may matutuklasan na siyang magiging dahilan ng pagkalungkot. Ang mahalaga ay maging praktikal sa anumang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 35 at Maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magiging abala ka sa maraming bagay, pang-personal o sa trabaho. May magtatampo na kaibigan, kasambahay o kasamahan dahil hindi mo mapapaunlakan ang hiling. Huwag magpautang ng pera dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 44 at Pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-control, dadalhin ka sa kapahamakan. Ngayon dapat iwasan ang mga barkada dahil masasabit sila sa iyong gawain o ikaw ang masasabit sa gagawin nila. Kung wala kang magawa, bagay ang magpahinga. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at Brown.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Praktikal ang dapat gamitin sa tahanan at maging sa trabaho. Wala kang maaasahang tulong mula sa kasamahan, kaibigan at maging sa mga kamag-anak ngayon.  Kaya sariling sikap ang dapat. Kung may negosyo, matumal ngunit makakabawi sa susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at Tangerine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung may suliranin ang iyong kaibigan, kasamahan o kasambahay, ikaw ang makakaresulba sa pamamagitan ng payo o materyal na bagay. Hindi mo maiiwasan na magpaunlak kung may manghihiram ng pera. Hindi masama ang tumulong ngunit ibigay sa nararapat. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 41 at Sky blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maging alerto at makiramdam ng mabuti. Ang inggit ng mga kasamahan sa trabaho ay hindi maiiwasan. Malamang sisiraan ka ng dahil sa inggit. Malamang isang kaibigan ang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at White.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with