^

Kutob

Mayo 12, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Gaano man ang init ng panahon, ipinagpapasalamat ko sa Maykapal. Lumalabas nang todo ang pawis at nababawasan ang bigat ko.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Taglay ang sigla subalit madaling mapipikon at magiging mainitin ang ulo. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Ang mapagpasensiya ay mapapalayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at Yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang kaunting suliranin sa minamahal ay huwag dalhin hanggang sa trabaho. Isang lihim ang matutuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at Brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Libra ang makilala ngayon, magkakakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o sa tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o manghihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at Red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Tanggapin ang pagkakamali. Mahalaga ang magtiyaga. Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo ng kapwa. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna nang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at Orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak at mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Iwasan maging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makapagpapagulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39 at Indigo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Maganda ang isip para tapusin ang trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag sa kaligayahan at kasiyahan. Magaan ang pakiramdam sa pagtulong sa kapwa o kaibigan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at Green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Pairalin ang pagkamahinahon at pang-unawa dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang pagpapasensiya. Kung gagawa ng mahalagang desisyon, pangalagaan ang kapakanan. Iwasan ang mangako. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at Red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maaliwalas at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Huwag ipagwalang-bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at Sky blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Anumang bagay na dapat pagdesisyunan ay pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung maga-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Magiging positibo ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 42 at Blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan, ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang pagpaplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Maging positibo sa pag-iisip at sa paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at Aqua blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May pagkakataon na mabalikan sa isip ang mga nakalipas na nagsi­silbing aral. Ang mga pagkakamaling nagawa ay aral na hindi na dapat maulit. Magiging maunlad kung positibo palagi ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at Neon green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap para pakinggan. Magagawang makumbinsi kahit ang makulit o makitid ang pag-iisip. Matutuklasan ang gustong malaman. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at Jade green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with