PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Abril 21, 2017

Pagtitibay: Ganap ang kapangyarihan ng Manlilikha ko, sa kanyang pangalan anumang kalamidad ay mapipigilan. Ang kaligtasan ay mapanghahawakan ng bayan ko.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –  Isang mahalagang kasunduan ang maaaring magawa. Kailangan ang ibayong pag-iingat bago pumalaot sa pakikipagsapalaran lalo na sa negosyo. Iwasan ang mga pagkain o inumin na makakasama sa lalamunan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at jade green. 

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung may karamdaman, tiyakin na magpatingin kaagad sa doktor. Huwag basta uminom ng gamot at baka ma-allergy. Iwasan na matuyuan ng pawis ang katawan, mabasa ng ulan o maambunan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

GEMINI  (Mayo 21-Hunyo 21) –  Iwasan ang magsalita at baka makasagupa nang katapat. Maaaring makatagpo ka ng taong madaling mag-init ang ulo. Malaking pakinabang ang maging mahinahon sa lahat nang pagkakataon. Magaan ang pasok ng pera. Maunlad ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 21, 23, 24, 34 at magenta.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Paglabanan ang tukso sapagkat alam ng sarili na may kakapusan ka sa pera. Matutulungan ng isang kaibigan o kamag-anak ang suliranin kung magiging tapat. Iwasan ang anumang uri ng paanyaya. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 31, 39 at green.

LEO  (Hulyo 23-Agosto 22) – Ituloy ang mga gawain sa kabila ng mga hadlang na mangyayari. Ang maging maagap ay magdudulot ng malaking pakinabang. Bagay ang makisalamuhang sosyal kaya huwag paalpasin kung may pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 26, 37, 40 at royal blue.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Maging matatag sa pag­harap sa katotohanan. Huwag iwasan ang responsibilidad. Pairalin ang tamang pag-iisip sa mga gawain para maiwasan na magkamali o madis­grasya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 25, 42 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang kaunting suliranin sa negosyo o hanap-buhay kung hahayaan ay maaaring mahambing sa saranggola na nawalan ng hangin. Ang maagap sa paghanap ng tamang solusyon sa suliranin ang tanging tamang paraan. May pagkakataon na maagapan at mahanapan ng solusyon ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 29, 38 at blue.

SCORPPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang mag-init ang ulo o magalit ay magbibigay ng negatibong resulta sa kahit anong gawain. Kung pag-uukulan ng kahit kaunting panahon ang pag-iisip para sa kalutasan ng suliranin, makakahanap ng tamang solusyon. Dapat paglabanan ang katamaran. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 26, 36 at emerald green.

SAGITTARIUS: (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Kung tamlay ng katawan ang mararamdaman, paniningil lamang ito sa pag-abuso o pagbabalewalang ginawa sa kalusugan. Magandang balita kung walang karamdaman dahil maraming positibong bagay ang magagampanan o magagawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 25, 36 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung may lakad o lalakarin, gawin sa umaga para magtagumpay. Iwasan lamang pagkalipas ng tanghali dahil walang mapapala at mag-aaksaya lamang ng oras at panahon. Huwag manghiram o magpahiram ng anumang bagay sa dapit-hapon dahil hindi maisasauli o maibabalik. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 24, 34 at beige.

AQUARIUS ( Enero 20-Pebrero 18) – Kung may makasagupa na walang pag-galang, ito ay larawan ng sariling gawain. Panahon nang pagbabago ng masamang ugali upang matamo ang pag-galang at respeto ng kapwa. Alam ng sarili kung ano ang hindi magandang ginagawa, kung babaguhin ngayon may suwerteng darating. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 28, 39 at violet.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Aksyon kaagad sa suliranin dahil kung hahayaan, hahantong sa matinding problema. Maaaring lumaki ang munting problema kung hindi kaagad aaksyunan. Huwag hayaang makaalpas ang magandang pagkakataon na darating dahil hindi na ito babalik. Lucky numbers at color for the day ay 18, 28, 30, 38 at lavender.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: