^

Punto Mo

EDITORYAL - Agri sector, tuunan para dumami ang trabaho

Pang-masa
EDITORYAL - Agri sector, tuunan para dumami ang trabaho

SABI ni Pres. Rodrigo Duterte nang magtalumpati sa pagdiriwang ng Labor Day noong nakaraang linggo, magpapatuloy ang kanyang administrasyon sa paglikha ng libong trabaho. Ito raw ang magbibigay daan para umunlad ang ekonomiya ng bansa. Bukod sa pangakong trabaho, sinabi rin niyang puprotektahan ang karapatan at kalagayan ng mga manggagawa. Wawakasan na rin daw nang tuluyan ang kontraktuwalisasyon.

Marami pa rin ang walang trabaho sa kasalukuyan batay sa pinaka-latest na survey ng Social Weather Stations (SWS). Humigit-kumulang sa 10.4 milyon ang mga jobless sa unang tatlong buwan ng 2017. Ganunman, mas mababa ito kumpara sa 11.2 milyon na walang trabaho noong Disyembre 2016.

Kamakailan, ibinida ng Presidente ang maraming inprastruktura na isasagawa sa kanyang termino. Maraming kalsada, expressways, tulay, ports, ang gagawin at makikinabang dito ang maraming Pilipino. Magluluwal nang maraming trabaho ang mga gagawing inprastruktura at uunlad ang ekonomiya kapag natapos ang mga proyekto. Maraming bansa ang nangako ng investments at isa na rito ang China. Ayon sa Presidente, dalawang tulay ang libreng gagawin ng China at maraming trabahador ang kailangan dito.

Pero kahit maraming gagawaing inprastruktura sa bansa, kulang pa rin ito sapagkat mahigit 10 milyon ang walang trabaho. Hindi naman maaaring isaksak lahat sa constructions ang mga walang trabaho. Kaya hindi sasapat ang sinasabing pag-boom ng inprastruktura sa bansa.

Ang isang dapat pagtuunan ng pansin ng Duterte administration ay ang agri sector. Kung mapapaunlad ang sector na ito, dito nakakatiyak na magluluwal nang sangkatutak na trabaho. Nakalinya sa agrikultura ang pagkain kaya walang patid ang pangangailangan dito. Pagkain ang kailangan ng tao. Buhusan ng tulong ang sector ng agricultura at tiyak na magbubunga ito nang maraming trabaho na magpapaunlad sa buhay ng mga Pilipino.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with