^

Metro

Travel plan, huwag i-post sa social media

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpaalala ang Manila Police District (MPD) sa publiko ngayong panahon ng  Semana Santa  na iwasan muna ang pagpapaskil sa Facebook at iba pang social media ng mga larawan, planong pagbabakasyon upang hindi magkaroon ng ideya ang mga magnanakaw.

Ayon kay MPD Director P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel,  hindi na bago ang paalala subalit mas mabu­ting ulit-ulitin kahit taun-taong ganito naman ang sitwasyon para makaiwas sa posibilidad na mapasok ang kanilang mga tahanan ng mga akyat-bahay at kawatan.

Bukod sa travel plans, ang mga larawang kuha na nakapaskil ay makikita kung nasa  malayong lugar ang sinuman kaya pwedeng samantalahin ito ng mga kawatan.

“Paalala lang po ‘wag nang ipaalam sa FB, sa social media, na sila ay aalis at walang maiiwan sa kanilang mga tahanan,” ani Coronel.  “Hangga’t maari, ‘wag na nilang ipaalam sa mga hindi naman po dapat makaalam sa kanilang mga schedule saka mga pupuntahan nila kasi tumataas po ang insi­dente ng akyat bahay pag may mga bahay na naiiwang walang tao,”payo pa ni Coronel.

vuukle comment

TRAVEL PLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with