^

Pang Movies

Heart mala-Tessie Agana ang akting

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maswerte ang Kapamilya Network dahil nakatuklas sila ng isang batang mala-Tessie Agana, ang child wonder noon na gumagawa ng pelikulang Roberta, walang iba kundi si Nayomi “Heart” Ramos na bida ngayon sa My Dear Heart ng ABS-CBN.

Matalino si Heart at malakas ang appeal niya sa tao. Punum-puno rin siya ng talent kaya ‘di kataka-takang pati si Coney Reyes ay napahanga niya.

Gumaganap si Coney sa My Dear Heart bilang doktorang may third eye kaya nakikita nito ang kaluluwa ni Heart.

Parang history repeat itself ang papel ni Heart katulad ni Tessie Agana na gumanap noon bilang little kerubin.

Walang kabakel-bakel si Heart sa pagdadayalog kaya hindi nakakapagtakang humakot siya ng tao para panoorin ang My Dear Heart.

Kabit ng mister ni Sunshine, masyadong matapang

Hindi nagpatalo si Ryza Cenon sa pakikipagsagutan kay Sunshine Dizon sa seryeng Ika-6 Na Utos.

Kahit nga kabit lang ni Gabby Concepsion ang role ni Ryza, mas mataray pa siya kay Sunshine.

Well ganyan naman in real life, kung sino ang kabit, sila pa ang mas matapang sa orihinal na asawa.

Maging ang dakilang katulong na si Odette Khan ay hindi nagpatalo kay Mel Martinez, ang beking alalay ni Carmen Soriano. Hindi nakakapagtakang nadagdagan pa ng isang araw ang showing nila every week. Kung anong gusto ng tao, nakahandang sundin ng GMA 7 dahil humahakot ng commercials ang teleser­yeng Ika-6 Na Utos.        

vuukle comment

RYZA CENON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with