PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Marso 21, 2017

Pagtitibay: Mga positibong kaisipan, positibong pana­nalita­ at positibong pag-iisip ang may puwang sa akin. Nani­niwala akong anuman ang maging sitwasyon sa buong mag-araw, positibo ang kabuuan nito.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Makakakita ka ng opor­tunidad o pagkakataon na tumaas pa ang iyong posis­yon o ranggo. Ngayon mo aanihin ang iyong wagas na pagmamahal sa isang mailap na tao. Magiging maamong tupa ang isang naghihimagsik. Lucky numbers at color for the day ay 8, 22, 34, 39 at indigo.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magiging handa ka sa anumang katanungan tungkol sa pag-ibig. Magkakaroon ng katahimikan ang iyong puso sa araw na ito dahil sa kasiguraduhang ipapakita sa iyo ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 30, 37 at aqua blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Maraming mag-aalok ng pag-ibig subalit hindi lahat sila ay may maganda at wagas na layunin. Mag-ingat sa pagdede­sisyon. Panghihina ng katawan sa bandang hapon ang iyong mararamdaman dahil sa pagod. Lucky numbers at color for the day ay 14, 18, 27, 40 at tangerine.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Magkakaroon ka ng magandang araw. Ikagagalak mo ang paggaling ng sakit ng isang kaibigan sa malayong lugar o kamag-anak. Mag-impok ka para sa pinaghahandaang kasalan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 24, 32, 43 at white.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maligalig ang iyong isipan dahil sa masasagap na balita. Iwasan na mag-isip ng masama sa iyong kinakasama. Wala kang pro­blemang pinansiyal ngayon subalit ang problemang pag-ibig ang siyang maghahari. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 20, 35 at garnet.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Mabuting um­pisahan ng maaga ang  balak para sa linggong ito. Iwasan na makipagkasundo sa dating kasintahan o kinakasama dahil ito ang magiging dahilan para mapahamak kang muli. Lucky numbers at color for the ady ay 11, 23, 25, 43 at baby pink.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ngayon ka magigising sa isang malaking kahibangan. Matutuklasan mong mali pala ang pag-ibig na ipinaglalaban. Nakatakdang muling tumibok ang iyong puso sa larangan ng pag-ibig. Kung puso ang palaging susundin at hindi balanse sa pag-iisip, kabiguan pa rin ang iyong matatamo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 27, 36, 41 at yellow­.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Magkakatotoo ang iyong kutob. Subalit makakabuti kung mag-iimbestiga ka muna bago magpasiya. Huwag hayaan na mabigo ang isang kaibigan na inaasahan mong magbibigay ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 36, 39 at marine blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) –Aatakihin ka ng hypertension sa araw na ito bunga ng sobrang pressure at pagod sa trabaho, kaya mag-ingat. Mabuting magpahinga muna. Tanggapin ang alok na tulong ng higit na nakakataas o ng isang matalik na kaibigan. Lucky numbers at color for the ady ay 2, 30, 34, 40 at shocking pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag maniwala sa mga sinasabi ng minamahal na mahal na mahal ka niya. Huwag agad isuko ang iniingatang dangal dahil sa gusto niyang patunayan mong mahal mo siya. Hayaan mong siya ang magpatunay ng kanyang pagmamahal sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 26, 37 at brown.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Tanggap na ng mga tao na malapit sa iyo ang iyong pagkatao. Huwag maniniwala sa isang kaibigan na kakikilala pa lamang. Pahalagahan ang reaksiyon nang matagal ng ka­ibigan dahil may katuwiran siya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 30, 44 at emerald green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Malululon ka sa masamang bisyo kung magpapabaya. Hihin­­tayin mo ang desisyon ng minamahal bago ka pu­ma­laot. Iwasan ang pagiging magastos dahil may kaka­ilanganin kang pagkakagastusan sa mga susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 20, 31 at magenta.

 

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: