^

PSN Palaro

Lady Maroons solo na sa itaas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Lady Bulldogs ‘di umubra sa Lady Spikers

MANILA, Philippines - Kinailangan ng University of the Philippines na bangasan ng pangil ang University of Santo Tomas bago itarak ang 25-22, 25-22, 29-31, 25-19 panalo upang manatili sa tuktok ng standings sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling nasandalan ng Lady Maroons si Diana Carlos na humataw ng 18 puntos katuwang si Season 78 Rookie of the Year Isa Molde na kumana naman ng 14 puntos, 20 receptions at 11 digs upang bitbitin ang kanilang tropa sa 4-0 rekord.

Nagdagdag ng 13 puntos si open hitter Nicole Anne Tiamzon habang nagdagdag sina Aiesha Laine Gannaban at Marian Buitre ng tig-pitong puntos sa hanay ng UP.

Naglatag ng 53 excellent sets si Arielle Estranero habang nakapaglista rin ang Lady Maroons ng 15 aces, 46 receptions at 62 digs sa larong tumagal ng dalawang oras.

“Nandun yung maturity sa mga bata kaya mabilis silang nakaka-recover. Kailangan naming ipagpatuloy yung magandang momentum hanggang dulo dahil yun ang mas importante, yung panalo sa latter part ng season. Mawawalan ng saysay lahat ng pinaghirapan namin kung hindi namin ito matutuloy hanggang sa dulo,” ani UP assistant coach Rald Ricafort.

Hindi napakinabangan ang 18 puntos si EJ Laure gayundin ang tig-12 nina team captain Cherry Ann Rondina at Chloe Cortez sa panig ng Tigresses na lumasap ng ikatlong kabiguan sa apat na pagsalang.

Sa ikalawang laro, matibay na depensa at mata­talim na service aces ang inilatag ng nagdedepensang De La Salle University upang dungisan ang rekord ng National University, 29-27, 25-16, 25-21.

Sumulong ang Lady Spikers sa 3-1 marka habang nahulog sa parehong 3-1 karatada ang Lady Bulldogs.

Sa men’s division, pina­lugmok ng NU at UP ang kani-kanilang karibal upang saluhan ang Far Eastern University sa No. 2 spot hawak ang magkakatulad na 3-1 baraha.

Ginapi ng Bulldogs ang La Salle, 27-29, 25-17, 25-21, 25-19 sa likod ng impresibong laro nina Fauzi Ismail at Bryan Bagunas na may pinagsamang 33 puntos habang nanaig ang Fighting Maroons kontra UST sa pamamagitan ng 25-23, 20-25, 20-25, 25-16, 15-8 desisyon.

Gumulong ang Grow­ling Tigres sa 2-2 rekord habang bagsak sa 1-3 ang Green Archers.  

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with