^

PSN Showbiz

Sikat na poging aktor madamot sa mga kaibigan, pero nagwawaldas sa babae!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sarado ang mga kamao sa paglalabas ng pera ng isang pamosong guwapong aktor. May kakuriputan siya, pati ang kanyang sarili ay kaya niyang tiisin, huwag lang malagasan ang kanyang bulsa.

Kilalang-kilala na siya ng kanyang mga kaibigan, kapag sumasama siya sa tropa sa labas para mag-chill ay alam na alam na nila ang kartada ng aktor, umaalis siya sa mesa kapag oras na ng bayaran.

Kuwento ng aming source, “Palaging ganu’n, kapag nagbi-bill out na ang mga kasama niya, e, saka naman siya magpupunta sa CR. Ang haba naman ng panahong puwede siyang magbanyo, ‘di ba?

“Pero tanggap na ‘yun ng mga friends niya, kapag kasama nila si ____(pangalan ng sikat at guwapong aktor) sa bar, e, hindi na siya kasali sa bilang ng mga maghahati-hati sa bill, excuse na siya, dahil ‘yun na talaga siya, e!

“Paglabas niya ng CR, areglado na ang bill, nabayaran na ng mga kaibigan niya, nakalusot na naman ang kuripot na aktor!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Sa shooting at taping niya ay sanay na rin sa kanya ang production staff at ang mga kasamahan niyang artista. Hindi siya nanglilibre, kumakain siyang mag-isa, pero nakikikain naman siya sa mga ipinabibiling pagkain ng kanyang mga co-stars.

“Talagang sarado ang mga kamao niya, boxer talaga siya, hindi karatista! Wala kang maaasahan sa kanya, samantalang kung tutuusin, e, napakalakas niyang kumita!

“Isang kanta lang niya, libu-libo na ang talent fee niya, malaki rin ang TF niya sa pelikula, ang dami-dami pa niyang shows na towering din ang bayad sa kanya. Pero kuring siya, super-kuripot, talagang ayaw niyang nababawasan ang kinikita niya.

“Pero may isang bagay siyang pinagkakagastusan, walang pagdadalawang-isip niyang nilalargahan ‘yun, promise! Ask n’yo na lang ang mga Boogie Wonderland d’yan na palagi niyang katransaksiyon!” pambubuking ng aming impormante.

Ubos!

JaDine malayung-malayona sa mga kasabayang pa-tweetums

Ibang-iba pala talaga ang pagpapakete kina James Reid at Nadine Lustre ng mga humahawak ng kanilang career. Malayo na sila sa loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa isang episode ng kanilang serye sa ABS-CBN na natutukan namin, ang Till I Met You, ay nawindang kami sa mga eksenang bumulaga sa amin. Iba na ang kanilang atake, nagniniig na sila sa likod ng isang kotse, nakahubad ang guwapong aktor at suggestive naman ang aktong hinuhubaran ni James si Nadine para sa kanilang pagtatalik.

Mas mature na ang kanilang dating, malayo sa mga kasabayan nilang loveteams sa Dos, walang pangingimi na nilang ginagawa ang mga eksenang maiinit.

Ang tanong na lang ay kung nakahanda na ba ang mga batambata pa nilang tagahanga? Marami silang fans na menor de edad pa, sobrang bata pa talaga, paano kaya ‘yun tinatanggap ng mga ito?

Pero mas maraming kinikilig sa JaDine, nababasa namin ang kanilang mga reaksiyon, 2016 na nga naman ngayon. Hindi puwedeng puro pagpapa-cute lang ang gawin nila sa harap ng mga camera, kailangang may bago, para hindi sila pagsawaan ng publiko.

Maingat naman ang mga shots, katawan lang ni James Reid ang pambenta sa eksena, alagang-alaga naman ng produksiyon ang imahe ni Nadine.

“Kilig na kilig ako sa mga eksena nila sa kotse, sila na kasi ang gusto kong magkatuluyan! Wala akong ibang gusto para sa kanilang dalawa, sila lang!” sumpa ng isang tagahanga ng JaDine loveteam.

Nakakaaliw naman ang sinabi ng isang Batanguenang baguhang personalidad na fan din ng JaDine, ang kanyang sabi, “Ay, s’ya! Sa kotse pa sila naggay-anan!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

JADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with