^

PM Sports

Ginebra wave!!!

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mukhang tadhana talaga ng Barangay Ginebra na wakasan na ang walong taong pagdurusa sa mapapait na kabiguan.

Matatandaan na unang laro pa lang nila sa PBA Governors’ Cup ay naharap nila ang malaking problema nang mapunit ang kamay ni original import Paul Harris sa isang aksidente papatapos na ang laban.

Ang pangyayaring ito ay nagbigay daan upang ma-recruit ng Barangay Ginebra ang mas malaki at mas epektibong import sa katauhan ni Justin Brownlee.

Humakot ng pitong panalo kontra sa tatlong talo sa elims ang Ginebra kasama si Brownlee. Pagkatapos ay sinibak nila ang Alaska sa quarterfinals, giniba ang San Miguel Beer sa semis at tinalo ang Meralco sa finals.

Matatandaan sa mahabang panahon ang three-point shot sa final buzzer ni Brownlee na naghatid sa Gin Kings sa kanilang unang kampeonato sa loob ng walong taon.

Nawala si Harris at nawala rin ang higante nilang sentro na si Greg Slaughter pero nagsama-sama ang galing at giting nina Brownlee, LA Tenorio, Scottie Thompson, Sol Mercado, Japeth Aguilar, Joe Devance, Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand upang makamit ang napakatamis na panalo.

Ibinigay ni coach Tim Cone ang lahat ng papuri sa kanyang mga players. Ngunit hindi maitatanggi na malaking susi ng kanilang tagumpay ang kanyang coaching brilliance.

Anim na coaches – Siot Tanquingcen, Ato Agustin, Alfrancis Chua, Jeffrey Cariaso, Juno Sauler at Frankie Lim -- ang humawak sa Ginebra simula ng kanilang huling championship noong 2008 Fiesta Conference under coach Jong Uichico.

Walang nabuong winning formula hanggang sa dumating ang premyadong coach na si Tim Cone.

Si finale, na-maximize niya ang strengths nina Tenorio, Thompson, Mercado, Aguilar at Devance, napiga ang dating galing ni Caguioa at Helterbrand at humugot din ng key contributions sa gaya nina Jervy Cruz, Dave Marcelo at Aljon Mariano.

Nagsama-sama ang lahat upang ihatid ang Ginebra sa kanilang ika-siyam na PBA championship mula noong panahon ni Sonny “The Living Legend” Jaworski upang bigyan si Cone ng kanyang 19th PBA title.

Kung matuling makaka-recover si Slaughter sa kanyang injury at kung makakuha ang Ginebra ng magandang materyales sa paparating na PBA draft, malamang na muling maging contender ang Gin Kings para sa iba pang kampeonato.

At patuloy na dadagundong ang Big Dome sa sigaw na “Gi-neb-ra! Gi-neb-ra! Gi-neb-ra!”

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with