^

Kutob

Setyembre 22, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Kahit sunud-sunod na problema, hindi ako magwo-worry dahil alam kong tapat ang makapangyarihan Diyos ko sa kanyang mga pangako. Ang kalooban niya ang siyang magaganap sa buhay ko.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Mag-effort ka na maging tactful sa kapwa. Ang iyong kaanak ay nais din mag-feeling boss sa iyo. Pakinggan lang sila at sundin mo rin ang iyong nais gawin. Lucky numbers at color for the day ay 19, 23, 42, 54 at pearl white.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Ang iyong pagnanasang tumulong sa kapwa ay magbibigay sa iyo ng masaganang kabuhayan. Mabilis ang iyong pag-asenso. Lucky numbers at color for the day ay 29, 32, 53, 42 at mandarin red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Mayroon kang biglaang desisyon na baguhin ang employment. Kumunsulta sa psychic upang magkaroon ng tamang gabay. Lucky numbers at color for the day ay 15, 23, 54, 58 at blue velvet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Mag-focus sa iyong nakasanayang gawin. Lahat ng mga kasama mo ay maa-appreciate ang effort mo. Lucky numbers at color for the day ay 31, 37, 41, 54 at dollar green.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sundin ang kutob sa money matters sa stock exchange. Naglalandas ang magandang oportunidad para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 37, 42, 48, 52 at orange.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Feel mong maging sociable ngayon. Mag-invite ng mga barkada para magka-chikahan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 12, 54, 56 at pumpkin yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang honest approach ang kailangan sa emotional situation para sa ikakabuti ng madla. Huwag patagalin ang mga plano para agad itong maging kapakinabangan sa mga nangangailangan sa paligid mo. Lucky numbers at color for the day ay 23, 53, 56, 51 at vermillion red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kapag sinunod ang kutob, matutupad ang iyong nais. Tiyakin na magdudulot ito ng kabutihan sa lahat at hindi sa iilan lang. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 31, 43 at turquoise blue.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mag-focus ka dahil mayroong someone close sa iyo na nag­hahangad na magkamali ka. Gusto niyang mamisawsaw sa iyong personal drama. Lucky numbers at color for the day ay 12, 31, 28, 53 at shrimp pink.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Mayroon kang masayang mood. Ang bagong project ay kikita. Magpa-Feng Shui. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 53, 38 at grape violet.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang inaakala mong friend ay nais lang gawing alipin. Manindigan ka sa iyong opinyon dahil sapat ang batayan para maisalba ang kapakanan ninyo ng mga kapwa mo tindera. Lucky numbers at color for the day ay 21, 27, 32, 53 at fuchsia pink.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maraming hadlang ang araw na ito. Iwasan ang magkainisan. Pairalin ang mahabang pasensiya. Lucky numbers at color for the day ay 16, 33, 54, 45 at periwinkle blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with