^

Kutob

Magpatawad nang lubos at ganap

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bumabati ako sa iyo at sa lahat ng mga sumusubaybay sa iyong malaganap na column.

Tawagin mo na lang akong Wendy, 31-an­yos at may asawang mabait, mapagmahal at responsable. Isa siyang lalaki na wala nang hahanapin pa ang isang babae.

Pero isang bagay ang hindi ko maunawaan sa aking sarili, five years ago ay nakagawa siya sa akin ng kasalanang mahirap kong patawarin. Nambabae siya na naanakan pa niya. Pero parehong namatay ang sanggol at ang ina nang ito ay isilang. Nang malaman ko ito ay para akong nabagsakan ng langit.

Humingi siya ng tawad at matagal bago ko siya napatawad. Pero tingin ko, hindi malubos ang pagpapatawad na iyon. Madalas ko pa rin itong naaalala at sa tuwing maiisip ko ay parang nasusuklam ako sa kanya.

Minsan nagtatanong siya kapag iba ang ikinikilos ko at sinasabi ko na lang na pagod ako.

Ano ang dapat kong gawin, Dr. Love para mabura ang masamang alaala?

Wendy

Dear Wendy,

Kung magpatawad ang Diyos ay lubos at ganap. Hindi siya nagtatago ng listahan ng mga pagkakamali kundi kapag pinatawad ka niya, para ka lang hindi nagkasala.

Ganyan din ang inaasahan sa atin ng Diyos. Ganap at lubos na pagpapatawad sa ating kapwa, lalo na sa iyong asawa na sa pagkakalarawan mo ay napakauliran.

Walang tao na hindi nagkakamali. Iba-iba nga lang pero nagkakamali pa rin tayo. Kaya it is time to move on. Lubusin mo na ang pagpapatawad sa iyong mister.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with