^

Kutob

Hunyo 28, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Matatapos ko lahat ng gawain ko. Dahil sa kalakasang kaloob ng Diyos sa akin. Sapat ang pagpapala niya araw-araw.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Madaragdagan ang biyaya kapag nagpa-feng shui ng taha­nan­. Kapag isinasaalang-alang ang mabuti, walang pangamba na mabuti rin ang maghahari sa huli. Lucky numbers at color for the day ay 52, 13, 17, 47 at bronze.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Health is wealth, kaya pangalagaan ang kalusugan mo. Dahil mababalewala ang mga naipundar kung mapupunta lahat sa mga doctor at hospital. Lucky numbers at color for the day ay 29, 13, 17, 54 at cyan blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Masaya ang buhay sa pag-ibig na dalisay. Iwasan ang selos dahil parang anay ito na wawasak sa kabuhayan. Tiwala sa sarili ang dapat patibayin upang sumigla ang kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ay 45, 51, 27, 15 at cinnamon brown.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kaalaman ng mind power ang iyong palaguin. Kapag mas maraming nalalaman, maraming kabuhayan ang aangat. Tadhana ang gagawa ng daan para magkaroon ng kakaibang sigla ang buhay. Lucky numbers at color for the day ay 21, 35, 43, 57 at lucky red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Sipag, tiyaga at masaganang buhay ay iigi. Positibong isip, salita at damdamin ang pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 33, 25, 47 at purple.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Dapat ikatuwa pa ang mapanirang tsismis na umiikot sa buhay mo. Palatandaan lang ito na mas lamang ka sa kanila. Mas mabuting magpatawad dahil sasagana ang buhay. Lucky numbers at color for the day ay 17, 21, 33, 45 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Nasa masaganang buhay ka na. Nabibilang nga­yon ang totoong kaibigan. Mag-aral ng psychic deve­­lopment para mapalakas ang kutob. Ito ang gabay mo sa paglalakbay sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 35, 41, 51 at baby pink.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Masagana ang pananalapi. Gamitin ito para mapalakas ang katawan at hindi maging marupok. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 29, 49 at mustard yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kakayahang supernatural ay nasa pagkatao mo. Pag-aralan ang mind power para ang karunungan ay maging aral na mapapakinabangan. Paunlarin ang kabuhayan ng karamihan. Lucky numbers at color for the day ay 22, 37, 29, 41 at canberry red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Isip, damdamin, salita at gawa; iyan ka ngayon. Baguhin ang ka­uga­lian para maramdaman ang wagas na tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 32, 13, 47, 59 at gold.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Isang lihim ang matutuklasan na babago sa buhay. Tanggapin ng masaya para maiwasan ang dusa. Lucky numbers at color for the day ay 41, 53, 25, 30 at shocking pink.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ikapu ng spiritual institution ang dapat gawin para lahat ng transaction ay walang mabitin. Lucky numbers at color for the day ay 31, 19,  45, 51 at dollar green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with