^

Kutob

Mayo 20, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Ang lahat ng bagay ay mangyayari, ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi ako mangangamba.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maiirita ka sa mga taong lalapit sa iyo. Makulit sila at matigas ang ulo, hindi sumusunod sa instruction. Pumili para magkaroon ng kaayusan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 29, 44, 51 at tangerine.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Mag-general cleaning sa bahay. Magpa-feng shui rin para maakit ang helpful people. Lucky numbers at color for the day ay 51, 28, 37, 33 at electric blue.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang mga kaibigan ang tutulong sa iyo ngayon. Huwag basta tanggapin ang mga project kung hindi mo kayang tapusin. Lucky numbers at color for the day ay 55, 36, 49, 44 at emerald green.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mag-family meeting kayo para magkaliwanagan ang pamilya sa kung ano ang dapat. Gumawa ng rules and regulations para sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 28, 51, 37, 18 at yellow.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Merong surprise visitor na darating. Talian ng pulang ribbon ang pusa. May magandang regalong matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 14, 42, 27, 45 at powder blue.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Kaila­ngan mong mag-isa para magtagumpay ang meditation ritual na dapat mong gawin. Sa ganitong paraan, mahihigop ang energies mula sa universe. Lahat ng pangarap ay makakamit. Lucky numbers at color for the day ay 11, 25, 39, 52 at scarlet red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Kahit napalibutan ka ng kalaban, malalasap pa rin ang kaligayahan sa buhay. Ihanda ang sarili, dahil nasa iyo ang huling halakhak ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 51, 24, 13, 27 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Go natural ka ngayon. Mag-aral ng natural therapy. Ito ang magiging career mo sa iyong retirement. Lucky numbers at color for the day ay 41, 13, 52, 33 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maa-approve ngayon ang iyong salary loan. Dito magsisimula ang iyong pinansyal na kalayaan. Lucky numbers at color for the day ay 49, 35, 27, 51 at bronze.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Masasalubong mo ang isang childhood friend sa mall. Ito ang simula ng bagong romantic love. Lucky numbers at color for the day ay 22, 14, 53, 41 at gold yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Pag-aralan ang pagmamahal sa kapwa at sarili. Magbigay ng pang-unawa sa kapwa. Sanayin ang sarili sa pagpapatawad. Dito mas uunlad ang iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 33, 41, 11, 17 at magenta red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang iyong pagka-depress ay mula sa iyong kalooban. Huwag sisihin ang kapwa kung hindi ka masaya. Lucky numbers at color for the day ay 13, 37, 55, 11 at lilac.

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

MICROPHONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with