Mayo 1, 2016
Affirmation: Baguhin ang anumang nagiging balakid sa relasyon mo sa iyong Manlilikha. Kung magagawa ito, ganap na dadaloy ang biyaya niya sa buhay mo.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Posibleng makaranas ng pagka-antala ng biyaya. Dahil sa kakulangan ng atensiyon sa helpful person na magsisilbing tulay para rito. Lucky numbers at color for the day ay 25, 37, 49, 51 at bamboo green.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Lahat ng salita at gawa ay merong effect sa future success. Sa iyong paglalakbay, magi-increase at magmu-multiply ang mga helpful people na merong tiwala sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 32, 44, at blue.
CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Sa isang social gathering, makikilala mo ang iyong soulmate.Maaakit sa iyo ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 8, 21, 31, 34 at violet.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag magtanim ng poot, dahil ito rin ang aanihin. Yakapin ang hinanakit namnamin ito hanggang sa maubos ang kapangyarihan at kayanin mo nang bumangon sa laban ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 14, 18, 36, 49 at blue.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Sa kabila ng kalituhan, ikaw pa rin ang responsable para ayusin ito. Magpakatatag. Lucky numbers at color for the day ay 29, 35, 39, 41 at tangerine.
LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Sa iyong practice ng oracion meditation, ilarawan sa isip kasama ang damdamin ang katuparan ng bawat ninanais. Gawin ito ayon sa kalooban, magpakatotoo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 38, 49 at crimson red.
SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Alamin ang dapat para matuklasan ang pinagmulan ng mapanirang tsismis. Suklian ito ng kabutihan at sanayin ang puso na laging magpatawad. Lucky numbers at color for the day ay 16, 11, 27, 44 at sapphire blue.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Tanggapin ang totoo na you’re growing older, kaya alagaan ang kalusugan. Ayusin ang mga dapat gawin sa iyong retirement. Lucky numbers at color for the day ay 19, 29, 37, 43 at platinum pink.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa paraan ng oracion meditation made-develop mo ang magical mind power kung saan maakit mo sa isip ang iyong pangarap. Mararanasan ang effect ng inggit sa iyo. Lucky number at color for the day ay 15, 23, 39, 44 at hot pink.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas enjoy ka sa iyong pag-iisa. Kung meron mang magustuhan, pairalin ang companion friendship na level ng relasyon. Lucky number at color for the day ay 29, 18, 25, 44 at sunshine yellow.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang sipag, tiyaga at tamang attitude ang aakit ng tagumpay. I-share ang talent o sa kapwa. Lucky number at color for the day 1, 25, 39, 47 at red.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang daan ng iyong tagumpay ay magbigay ng kalayaan sa material aspeto ng buhay. Tiwala sa sarili ang aakit ng suwerte. Lucky number at color for the day ay 3, 17, 29, 35 at indigo.
- Latest