^

Kutob

Pebrero 14, 2016

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Happy Valentine’s Day! Mahalaga ang maliwanag na pag-uusap sa kapwa. Piliin ang mga positibong salita sa pagpapaliwanag para maiwasan ang makasakit ng damdamin ng iba.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Lahat ng transaksyon, gawin sa umaga para umakit ng good vibration. Lucky numbers at color for the day ay 11, 15, 22, 39 at yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang responsibilidad sa sarili, pamilya at kapwa ay dapat harapin. Huwag iwasan sa paraan ng paggamit sa mga bagay na bawal sa lipunan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 21, 39, 44 at scarlet red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Makapangyarihan ang tahimik. Dito maoobserbahan ang reaksiyon ng kapwa sa mga ideya na inilalahad. Sundin ang kutob. Lucky numbers at color for the day ay 19, 25, 37, 41 at silver.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang talent ay gift mula sa Diyos, mahalagang gamitin ito para paunlarin ang sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 25, 35 at indigo.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Hindi pa rin maipu­pwesto ang iyong kalooban sa kasalukuyang karelasyon. Kalimutan mo ng buo ang nakaraan para maging matatag ang kasalukuyan mo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 15, 29 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Matutupad ang pangarap. Ang good beha­vior ay hinahangaan ng maraming tao sa paligid. Lucky numbers at color for the day ay 19, 29, 31, 44 at purple.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Maraming inggit sa tagumpay na nakamit. Ang mga paninirang matatanggap ay suklian ng mabuting asal. Dito mas aangat ang iyong kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 21, 39 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Ang kalusu­gan ang iyong tanging yaman. Ito ang susi sa iyong kaunlaran. Pahala­gahan mo ito dahil kasiyahan ng buhay ang mapapasaiyo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 22, 31 at bronze.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang palaging nakalingon sa nakaraan, ang titisod sa iyong paroroonan. Mag-oracion meditation para ayon sa batas ang kabuuhan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 25, 44, 51 at magenta.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Iayon ang sarili sa maayos na buhay, na bigay ng Diyos sa’yo. Gawin mo na ikaw ang daluyan sa ikaaangat ng madla. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 33, 45 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magiging generous sa mga positibong salita, kaya kabuhayan ay masigla kasama ang mga mahal mo sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 26, 32 at gold.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Masusubukan ang pagtitimpi sa taong makakaharap ngayon. Mahalaga ang masayang disposisyon para maakit ang masaganang kabuhayan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 25, 27, 39, 41, at beige.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with