^

Kutob

Pebrero 9, 2016

TAROT GABAY - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Mabilis at masayang makakarating sa paroroonan kapag iaayon ang sarili sa agos ng panahon.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Nag-enjoy­ ka na sa maraming biyaya na natanggap mo, kaya ito ang takdang panahon para magbalik ng biyaya para sa iyong kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 14, 9 at violet.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kapag buo ang kalooban, madaling akitin ang lahat ng kaganapan para maiangat ang ‘sang katauhan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 29, 37, 49 at magenta.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kapag mainit ang ulo bubugso ang galit, kontrolin o ito ang ikapapahamak mo. Pakalmahin ang sarili sa tahimik na paraan para magampanan pa rin ang tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 27, 35 at violet.  

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Masaya ang buhay kapag marunong kang makibagay. Maaakit mo ang taong nakatadhana, na tutulong sa iyo ng lubos. Pasa­lamatan ang Diyos sa nangyari sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 33, 44 at pearl white.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Nasa usong pick-up lines ang magpapasaya sa iyo. Kapag ginamit mo ito sa mga seryosong issue ng lipunan, mas madaling maunawaan ng madla. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 35, 44 at mahogany brown.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Mga glamorosong aksesorya ang magdaragdag ng ganda sa kasimplehan. Kapag ikaw ang gagamit nito, suwerte ay maaakit. Lucky numbers ay 10, 9, 13, 31 at bottle green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Oracion meditation ang paraan para maging  positibo ang kaisipan. Kapag ang vibrations  na positibo ang bumalot sa katauhan mo, buong pagkatao ang magbabago. Lucky numbers at color for the day ay 5, 25 33, 41 at honey yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Isipin na natamo na ang pangarap. Ang vibration ng universe ang dadaloy sa iyo para maranasan ang kaganapan ng pangarap mo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 35, 41 at silver.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Isang bagong talento ang lilitaw, ito ang magbibigay yaman sa pang araw-araw kung mapapanatili. Lucky numbers at color for the day ay 11, 27, 25, 35 at red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Mararamdaman ang cross ng dila mo. Bawat salita ay magaganap sa iyo. Kaya kung nanaisin, gaganda ang buhay mo. Masaya, masagana at magandang salita ang banggitin mo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 37, 43 at indigo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang mga kaibigan ang salamin ng pagkatao. Kapag paninirang kuwento ang ikakalat mo, unang masisira ay ang pagkatao mo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 29, 44, 39 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang salapi ang simbolo ng iyong sipag at tiyaga. Nagbibigay saya ito sa mga bagay na mabibili para sa ikasasaya ng sarili at mahal mo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 22, 35 at peach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with