^

Kutob

Nobyembre 29, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Maraming positibong bagay ang naghihintay sa akin ngayon Christmas season. Praise the Lord!

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Huwag mangutang o magpautang dahil tiyak hindi mababayaran sa takdang panahon na naipangako. Huwag magpahiram ng gamit dahil tiyak mawawala at hindi na maisasauli at kung babayaran, matatagalan. Huwag maningil ngayon kung may pautang, mag-aaksaya lamang ng panahon dahil hindi mababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 37, 42 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag isisi sa iba ang nagawang pagkakamali. Panindigan ang nagawa at aminin kung masusumbatan. Sa pagkakamali ay maitutuwid ang hindi tama at magiging leksyon na hindi na mauulit. Kung magagawang muli, nanadya ka na. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 26, 37 at blue sapphire.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Manalangin na ang matutuklasan ay magdudulot ng kaligayahan. Pero kung hindi, ihanda ang sarili. Lahat naman ng suliranin ay may katumbas na solusyon na minsan ay nasa harapan na ngunit hindi nakikita dahil sa kalituhan ng isip. Huwag malito. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 23, 33 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Taglay mo ang kalakasan ng ESP at malaking tulong sa paggawa ng maselang desisyon. Asahan na ang kutob ay totoo o magkakatotoo pero lalong mabuti kung mapapatunayan muna sa pisikal na ebidensya bago magkumento. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 35, 41 at ocean blue.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –  Mas maganda ang resulta ng trabaho kung pinagkaisahan ng lahat kaysa umastang boss o sarilihin ang gawa. Huwag ipagkait bagay na nalalaman sa kapwa. Huwag maging sakim. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 31, 40 at scarlet.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May bantang unos na darating sa pamilya, na kung hindi hahanapan kaagad ng solusyon ang maliit na problema ay pagmumulan ng malaking sunog. Harapin ang situwasyon at may tamang solusyon na mahahagilap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 37 at aquamarine.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Balansehin ng maayos ang lahat ng may kaugnayan sa iyong buhay, pag-ibig, trabaho, kasamahan at ano pa man. Ang pagbibigay ng mala­king atensyon at sobrang oras sa isang bagay ay magdudulot ng hinanakit sa iba. Gawin hangga’t maaga dahil may bantang unos na darating sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 32, 42 at white.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Magagawa mong magtimpi sa kahit anong situwasyon na dati ay hindi mo kayang harapin. Magkakaroon ka ng pananalig sa sarili sa kahit anong desisyon na gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Nang dahil sa iyong emosyon, sa asawa, anak, kaibigan o kasamahan parang malayo ang kalooban mo sa kanila, kahit kabaligtaran dito ang iyong nararamdaman. Nasa sarili ang paraan sa pagsupil ng emosyon, bagay na hanapan ng paraan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 22, 27 at beige.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Makabago ang panahon at halos lahat ay modern. Baguhin ang pag-aayos ng sarili at magtataka ka na maraming hahanga. Iwaglit ang ugaling kinakainisan sa'yo ng iba at magtataka ka na maging kagiliw-giliw ka sa kanila at hahatak ka ng maraming tagahanga at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 18, 28, 39 at dollar green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Disiplina sa sarili ang dapat mong harapin at gawin. Kung may mga mahalagang lakad o “schedules” pag-aralan, repasuhin at maagang matulog. Ang personalidad ay malaking merito sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 26, 39 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang pagkanerbiyoso ay dahil sa “stress” at pagod. Kung palainom ng kape, panahon na para lumipat sa tsaa o “herbal tea”. Ang pagpapa-therapy o pagpapamasahe ay pagtanggal ng pagod at “stress,” gawin ito. Alagaan ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at green.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HINDI

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with