^

Kutob

Nobyembre 25, 2015

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Wala akong hindi malalampasan sa presensiya ng Diyos sa buhay ko.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Magkakatotoo ang kutob. Bigyan ng pagkakataon ang isang indibiduwal na magpaliwanag ng kanyang panig bago mo siya husgahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 27, 32 at fuchsia.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magkakaroon ka ng bagong pagkakaperahan. Kung magiging agresibo sa pagkilos, kabaligtaran ang magiging resulta sa akala, kaya maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 34, 43 at violet.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maaaring magkaproblema sa trabaho o sa pag-aaral. Ingatan ang pamilya at bigyan sila ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 30, 31 at red.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Marami kang matatapos na gawain sa araw na ito at malaki ang tsansang kumita ng malaki sa isang transaksiyon o sideline. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 27, 44 at blue.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May mga pagbabagong mangyayari. Lawakan nga­yon ang pang-unawa dahil may ilang makakasama na reklamador o mainitin ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 24, 41 at brown.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi ka dapat panghinaan ng loob kung sa palagay mo na tila may humahadlang sa iyong mga pangarap. Makinig sa payo ng mga taong iyong hinahangaan at gustong tularan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 35, 34 at tangerine.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Huwag matakot sa gagawing pakikipagsapalaran. Kung nag-aaway kayo ng isang malapit na kaibigan, ito ang tamang araw na makipagbati sa kanya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 23, 38 at corn yellow.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Magiging sentro ka ng atensyon sa araw na ito. Maraming mata ang nakatuon sa iyo kaya dapat iwasan ang pagyayabang dahil tiyak matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 17, 28 at electric blue.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Iwasan ang mangako sa isang kasama o kaibigan, dahil tiyak may hadlang sa pagtupad. Gampanan ang mga tungkulin na ibinibigay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 14, 32 at pink.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) – Hindi lahat ng gusto ay makukuha. Huwag gumawa ng anumang bagay kung may duda o hindi naiintindihan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 40 at orange.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – May posibilidad na mapapaaway ka sa isang kaibigan kung hindi mag-iingat. Magkakaroon ka ng problema sa pakikisama sa taong may katungkulan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 26, 38 at sea blue.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang balak mo para sa araw na ito ay maglakbay at magliwaliw kasama ang pamilya. Barkada o minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 34, 39 at gray.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

DISYEMBRE

ENERO

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with