^

Kutob

Setyembre 29, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sapat ang grasya ng Diyos sa bawat araw ng buhay ko.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Gagawin mo ang lahat para sa pag-ibig pero mabibigo ka pa rin. Isang kamag-anak ang lalapit para humingi ng tulong pinansiyal, pagbibigyan mo ito bilang pagtanaw ng utang na loob. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Pag-ingatan ang isang bagong labas na gamot baka sa halip na makatulong ito, maging sanhi pa ng paglala ng iyong sakit. Ikunsulta kaagad sa doktor kung hindi maganda ang pakiramdam. Manunumbalik ang tiwala­ sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 23, 32 at cream.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Lalong gugulo ang inyong pagsasama ng minamahal dahil sa hindi nagkakaunawaan at hindi maru­nong magpakumbaba ang bawat isa. Simple lamang ang dapat gawin, huwag magmataas at matutong makinig. Lucky numbers at color for the day ay 16, 21, 35, 38 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Malamang dadalo ka sa isang pagtitipon na pang-pamilya. Mapapansin nila ang maganda mong kalusugan at aalamin nila kung ano ang iyong sikreto. Magiging masaya ang araw mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 20, 31, 44 at aquamarine.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Makakaramdam ng pananakit ng katawan. Pahinga ang kailangan. Maaakit ka sa isang oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa kaya walang masama kung subukan. Maging maingat sa paglalakad sa mataong lugar. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 34 at blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Maging mauna­wain sa isang pamilya, hindi naman niya ginusto ang kanyang nagawang pagkakamali. Magandang simulan ang binabalak na negosyo tungkol sa pagkain dahil dito ka uunlad. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 26, 37 at white.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Magiging magulo ang isip mo sa araw na ito, hindi mo malaman kung ano ang uunahin. Maaaring matapos ang araw na wala ka pang magagawa. Marahil may magandang surpresa na dara­ting. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 18, 33 at jade green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Matinding galit ang mararamdaman mo sa bandang umaga kaya maging mahinahon. Huwag hayaan na masira ang araw mo, hangga’t maaari pag-isipan muna ang bawat salitang bibigkasin at lalabas sa bibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 11, 26, 37 at pink.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Mabuting ayusin muna ang iyong kuwarto. Ilang gabi nang hindi ka masyadong nakakatulog dahil hindi naaayon sa tamang posisyon ang kama. Maaalala ang napalayong mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 25, 30 at light blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Malulungkot ka sa araw na ito dahil sa paglayo ng minamahal. Isang bisita ang magpapahiya sa iyo sa loob ng opisina. Maghapon na sasama ang iyong loob. Paglabanan ito. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 30, 42 at tangerine.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Tatanggap ka ng ma­ganda o hindi magandang balita mula sa malayo o malalapit na kamag-anak. Makikilala ang taong makakapagpa­bago sa takbo ng iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 27, 31, 44 at green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kakailanganin mo ang tulong tungkol sa suliraning pag-ibig. Pag-ukulan ng pansin ang mga bagay-bagay sa iyong kapaligiran. Magiging sensitibo ka sa damdamin ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 6, 22, 28, 39 at apple green.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

HINDI

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with