^

Kutob

Setyembre 24, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kung may pananampalataya ka, makakaasa ka na anuman ang hinahangad ayon sa kalooban ng Diyos ay ipagkakaloob sa’yo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Makakakita ka ngayon ng oportunidad na tumaas pa ang iyong posisyon. Ngayon mo aanihin ang iyong wagas na pagmamahal sa isang mailap na tao. Magiging maamong tupa ang isang naghihimagsik. Lucky numbers at color for the day ay 8, 22, 34, 39 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magiging handa ka sa anumang katanungan tungkol sa pag-ibig. Magkakaroon ng katahimikan ang iyong puso sa araw na ito dahil sa kasiguraduhang ipapakita sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 30, 37 at aqua blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maraming mag-aalok ng pag-ibig, pero lahat sila ay hindi maganda at wagas ang layunin. Mag-ingat sa pagdedesisyon. Panghihina ng katawan ang mararanasan sa bandang hapon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 18, 27, 40 at tangerine.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magkakaroon ka ng magandang araw. Ikakagalak mo ang paggaling ng sakit ng isang kaibigan sa malayong lugar. Mag-impok ka para sa pinaghahandaang kasal. Lucky numbers at color for the day ay 15, 24, 32, 43 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maligalig ang iyong isip dahil sa nasagap na balita. Iwasan ang mag-isip ng masama sa iyong kinakasama. Wala kang problemang pinansiyal ngayon, pero ang problemang pag-ibig ay siyang maghahari. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 20, 35 at garnet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mabuting um­pisahan ng maaga ang mga balak para sa linggong ito. Iwasan ang makipagkasundo sa dating kasintahan. Baka ito ang magiging dahilan para mapahamak kang muli. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 25, 43 at baby pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ngayong nagising ka na sa isang malaking kahibangan, natuklasan mong mali pala ang pag-ibig na ipinaglalaban mo. Subalit nakatakda muling tumibok ang iyong puso. Kung sino ang nasa puso mo, pag-isipan muna bago sundin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 27, 36, 41 at yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magkakatotoo ang kutob. Subalit makakabuti kung mag-imbestiga muna bago magpasiya. Huwag hayaang mabigo ang isang kaibigan na inaasahan ang iyong tulong. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 36, 39 at marine blue.   

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Aatakihin ka ng hypertension sa araw na ito, bunga ng sobrang pressure at pagod sa trabaho kaya mag-ingat. Mabuting magpahinga muna. Tanggapin ang alok na tulong ng higit na nakakataas. Lucky numbers at color for the day ay 2, 30, 34, 40 at shocking pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Huwag maniwala sa mga sinasabi ng karelasyon na mahal na mahal ka niya. Huwag agad isuko ang iniingatang dangal dahil sa gusto niyang patunayan mong mahal mo siya. Hayaan mong siya ang magpatunay ng kanyang pagmamahal sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 26, 37 at brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Tanggap ng mga taong malapit sa iyo ang iyong pagkatao. Huwag maniwala sa isang kaibigan na kakikilala mo pa lamang. Pahalagahan ang reaksiyon ng matagal nang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 30, 44 at emerald green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malululong ka sa masamang bisyo kung magpapabaya. Hihintayin mo ang desisyon ng minamahal bago ka pumalaot. Iwasan ang pagiging magastos dahil may kailangan ka sa mga susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 20, 31 at magenta.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

IYONG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with