^

Kutob

Setyembre 5, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Sakaling hindi pa ngayon, patuloy akong aasa sa malaking pagkakataon laan sa’kin ng Diyos.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Tatamarin ka ngayon kahit gaano kaabala. Sikapin na maging maagap, lumalandas ang magandang pagkakataon. Ang problema tungkol sa magulang ay madaling malulutas. Walang dahilan para magalit o malungkot. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 22, 36 at orange.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang dating hinanakit ay mapapawi kung pagsisikapan na hanapan ng solusyon. Posible ang isang magandang balita na hatid ng isang kaibigan o kamag-anak. Kabigha-bighani ka ngayon. Madaling makumbinsi ang mga tao sa paligid. Luckty numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 30 at jade green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Matutuwa dahil nasa tamang landas ang tuluyang pagkalimot sa hindi pagkakaunawaan ng magkaibigan o magkasintahan. Kung may gumugulo sa isipan, ang solusyon ay nasa harapan at aabutin na lamang. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 17, 24 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Walang problema sa tahanan gayundin sa trabaho o pinapasukan. Magiging maayos ang takbo ng mga gawain. Masuwerte ang negosyo. Kung iiwasan ang usaping selos, magiging masaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 22, 33 at purple.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Lalong mapapabuti ang kalagayang pinansiyal. May pagkakataon na madagdagan ang kikitain. Ang makipagtulungan ay magbibigay ng malaking pakinabang. Maipagpa­patuloy ang naalintanang mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 37, 42 at peach.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag kaligtaan na pag-ukulan ng pagsisikap ang trabaho. Dahil nandiyan ang pakinabang. Huwag agad-agad maniwala sa tsismis. Alamin ang katotohanan. Mapamaraang pakikitungo ang dapat gawin sa mga kasamahan. Bigyang halaga ang komunikasyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 20, 33 at ruby.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Malaki ang magagawa ng pagtitiwala at ngayon ito dapat ibigay. Isang lihim ang matutuklasan. Kung ikatutuwa o ikalulungkot, depende ‘yun sa iyong pagtanggap. Tiyak ang minamahal ay malambing at mapagmahal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 16, 35 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kaunting problema sa tahanan ang magbibigay ng pagkainis at kalungkutan. Maging mahinahon at panatilihin ang wastong pag-iisip upang walang masaktan. Mahihingan ng magandang payo ang matalik na kaibigan, kamag-anak o magulang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 25, 37 at cream.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang kabutihang nagawa ay may kapalit na biyaya mula sa ibang tao, na malamang ay mapapasakamay ngayon. Masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung may dadaluhan. Magiging makulay ang bawat oras dahil sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 22, 38 at  lemon.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May kalutasan ang gumugulo sa isipan kung hindi magpapadalus-dalos nang pasya o desisyon. Malaking pagkakataon na maayos ang suliranin. Iwasan ang labis na pagpapagod. Dahil ito ang hinihingi ng kalusugan. Paglaanan ng panahon ang pagpapahinga. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 33, 34 at dollar green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magiging pabaya ka ngayon, isipin na mahalaga ang makatiyak sa gawain. Huwag balewalain ang mga detalye. Sikapin na ma­ging maayos ang lahat ng bagay sa tahanan at pinapasukan. Umaayon ang maikling paglalakbay lalo na kung may kinalaman sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 7, 13, 20 at scarlet.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Masungit ka ngayon kaya dapat iwasan na magbitiw ng marahas na salita na makakasugat ng damdamin. Huwag umasa sa tulong ng iba, maging sa mga kaibigan o minamahal. Magsikap at magtiyaga upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ay 7, 17, 18, 35 at brown.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with