^

Kutob

Setyembre 1, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Inaangkin ko na ang ta­gumpay sa bawat hangaring nasa puso ko, ayon sa kalooban ng Diyos.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Wala kang makukuha sa pagsama sa mga taong may masamang bisyo, lalo na sa mas mababa kaysa iyo. Kung nais umunlad, samahan ang taong mas mataas ang katayuan at maganda ang reputas­yon sa lipunan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31, 39 at fuschia.

LIBRA (Setyembre 24 - Ok­tu­bre 23) – Katungkulan sa pa­milya, trabaho at dagdag na mga pabigat na gastusin ang problema mo. Kung tutuusin, masuwerte ka pa rin kaysa iba na sira na ang utak at pala­boy-laboy na lamang pero nagsisikap pa rin mabuhay. Huwag mawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 22, 23 at scarlet.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Dahil sa pag-ibig magiging masigla, mali­gaya at maraming magagandang bagay ang papasok sa isip. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 39, 43 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kaba­ligtaran sa inaasahan ang ma­ga­ganap. Huwag kang umasa nang hindi madismaya. Sikapin na sa abot ng makakaya ay makagawa ng makabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 38, 39 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kung may mapapaunlakan ka ngayon, tiyak “very good” ka sa kanya. Mag-ingat, piliin ang tamang tao na pagbibigyan para walang pagsisihan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 23, 38 at green.

AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) – Ang paghahanda sa okasyon ay hindi maiiwasan, ngunit pwedeng kontrolin ang pag-gastos. Tiisin ang gusto na hindi kaya ng bulsa. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 24, 35 at sky blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung ayaw mapag-usapan, gumawa ng tama. Atupagin ng maayos ang trabaho para walang mapuna ang iba. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 21, 25 at bright yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19)Makakairita ang bagay na sasalubong at kung papa­tulan, buong araw tataglayin ang init ng ulo. Huminga ng malalim at mag-relax muna at pag-aralan ng mabuti ang mga bagay bago si­mulan ang dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 35, 37 at violet.  

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Huwag idaan sa dahas kung may gusto o kailangan. “Relax, dahan-dahan at idaan sa lambing ang pagsasabi ng pakay dahil lalong titingkad ang aura ng karisma. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 27, 36 at pink.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Ang inaakala ngayon ay magkakatotoo. Kung inaakala na magkakamali ka, huwag ituloy. Kung inaakala na matatanggap sa trabaho, lakarin dahil tiyak matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 34, 41 at indigo.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Nasa pagitan ka ng da­lawang daan na mali­lito kung ano ang dapat gawin. Sa ganitong situwasyon, maging prak­tikal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 39 at yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) Hanggang kailan ka sa iyong mga magulang, hanggang sa sila ba ay wala na? Huwag mong sa­yangin ang mga pagkaka­taon dahil daranasin mo ang kahirapan sa darating na panahon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 26, 36 at red.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with