^

Kutob

Agosto 30, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Anumang desisyon sa kasalukuyan ang huhulma sa iyong hinaharap. Kaya gawin ang mabuti at tama para matiyak na positibong kapalaran ang naghihintay sa’yo.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang kinatatakutan mong landas ay siyang daan na maghatid sa tagumpay. Tiwala sa sarili at lakas loob ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 25, 36 at white.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang-asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 14, 23, 29, 33 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Isang magandang balita ang matatanggap. Hawak mo ang bola ng tagumpay, nasa sa’yo kung ibubuslo mo sa goal o ipapasa sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 35, 37 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung sa tingin ay walang mangyayari sa relasyon, ano pang saysay para manatili rito? Hindi na uso magpaka-martir. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 37, 41 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Anuman ang gawain sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 13, 29, 34, 36 at beige.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Hindi maiiwasan ang argumento subalit pwedeng lumayo sa away kung magiging mahinahon. Huwag patulan ang argumento. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 34, 40 at jade green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali, kaya kung may mga bagay na kailangan pagdesisyunan, gawin ngayon.  Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 26, 41 at pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung makakatanggap ng regalo ngayon, tiyak magkakatuluyan sa hindi mala­yong panahon. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 38, 43 at lilac.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maraming gagawin subalit kailangan ang pagpapahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Isang kasambahay ang maglalambing na dapat mapagbigyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 21, 38 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan na mamumuo sa tahanan subalit hindi ka direktang kasali. Lucky numbers at color for the day ay 13, 24, 34, 41 at violet.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Isang proyekto ang hahamon ng talino at kakayahan ang darating. Ngayon mapapagana ng husto ang imahinasyon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 32, 43 at violet.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung inaakala na walang pag-asa sa pag-ibig, huwag maghinanakit dahil tiyak hindi siya ang bagay sa iyo. Huwag ipagpilitan ang sarili sa ayaw sa iyo.  Lucky numbers at color for the day ay 17, 25, 35, 40 at indigo.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HINDI

HUWAG

ISANG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with