^

Kutob

Agosto 28, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Kung pinipili mong sumunod sa kalooban ng Diyos, huwag magdudang nasa likod mo Siya.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makapag-isa muna upang makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Kumunsulta sa akalang higit na nakakaalam sa problema. Malaking pagkakataon para makahanap ng paraan para madagdagan ang kita. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 26, 37 at green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iiral ang pagkatamad, pagkamasungit, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan dahil kung hindi mapapasubo sa hindi magandang situwasyon. Labis na kaligayahan ang madarama kung matatapos ang gawain. Hindi sagot ang maglasing o magmukmok sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 25, 39, 41 at blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Huwag magpadala sa matamis na salita dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Mag-ingat sa manloloko at mandarambong. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 31, 40 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil may makakalimutan ka ngayon. Huwag mangako dahil hindi matutupad. Iwasan ang makipag-schedule dahil may hadlang at hindi makakarating. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 29, 33 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Sa impluwensiya ng panahon, walang magiging suliranin ngayon. Magiging masaya ang pakikihalubilo sa kasamahan, kaibigan at kamag-anak. Huwag pagkaitan ng tulong ang taong lalapit kung kaya rin lamang. Gawin ang nararapat. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 23, 41 at maroon.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – May pabuya sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag magkumento para hindi magatungan at lalong sisiklab. Huhupa ang tensiyon paglipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 24, 38 at avocado green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag magtiwala sa kutob dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang iniisip, iwasan gawin dahil walang mapapala. Kung papatulan ang mang-aasar, tiyak may hindi inaasahang mang­yayari. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 37, 42 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang iniisip, kilos at gawin dahil may mapapala. Kung ano ang kutob hindi magkakamali. Huwag patulan ang mang-aasar. Lucky numbers at color for the day ay 15, 21, 35, 39 at aquamarine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng pangyayari na hindi makakalimutan. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Makakaranas ng ginhawa sa pinansiyal. Lucky numbers at color for the day ay 18, 23, 28, 39 at gray.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipalagay na isang aral na hindi na muling mauulit. Ipanatag ang isip sa problema dahil darating nang kusa ang solusyon sa tamang oras o panahon. Iwasan ang maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 34, 42 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat akalain, isang da­ting insidente o magkahalintulad ang mauulit nang hindi sinasadya. Walang katiyakan ang takbo ng panahon kaya ang pag-iingat ay dapat gawin. Maging alerto. Huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 34 at red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Unahin ang sari­ling kapakanan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Kung may alinlangan, huwag ituloy dahil tiyak na walang magandang kahihinatnan. Gawin ang plano at tiyak may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 36, 38 at red.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COLOR

DAHIL

DAY

HINDI

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with