^

Kutob

Agosto 27, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Bumubuhos ang grasya ng Diyos sa buhay ko.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – May mag-aalok ng trabaho subalit mas magandang pag-aralan muna ng mabuti at timbangin ang kabutihang maibibigay kaysa kasalukuyang trabaho. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Panalangin ang kailangan para magkaroon ng patnubay sa tamang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 31, 42 at maroon.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin para makaiwas sa bulilyaso. Maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon ang kailangan. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang minamahal ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ay 16, 24, 29, 34 at green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Malakas ang tiwala sa sarili at positibo ang pag-iisip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya, kasamahan, kaibigan o minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang kabuhayan at pag-ibig. Maaliwalas ang buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 35, 36 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak subalit dapat tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag magalit sa payong maririnig, mabuting pag-aralan muna ang mga bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 34, 40 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magtatagumpay sa nilalakad kung sa umaga gagawin. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang matatanggap. Maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 29, 35 at ocean blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang tahanan o pinagtatrabahuan ang mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day  ay 5, 12, 28, 39 at lavender.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawin na pagbabago ngunit mahihirapan magpaliwanag sa kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Iwasan ang makipagsisihan dahil walang ibubungang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 1, 2, 14, 31 at light green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang tunay na kaibigan sa ginhawa at kagipitan nagdadamayan. Ngayon mapapatunayan ang tunay na kaibigan. Tawag ng panahon para iwasan ang kaibigan sa turing at wala sa damayan. Magandang balita dahil magiging maligaya ang pag-ibig. Lucky numbers at color for the day 18, 26, 29, 30 at dollar green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Nasa kondisyon at kasiglahan kaya handang harapin ang kahit ano. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na makikita. Isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Mag-ingat dahil isang kaibigan ang malamang magtatratraydor. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 22, 28 at cream.   

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Alam mong tama ka, subalit lalong mabuti kung huwag ipilit na pagtuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 21, 39 at fuchsia.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mag-relax o mamasyal dahil makakatulong na manumbalik ang enerhiya at sigla. Magiging makitid ang isip kaya iwasan ang mapikon at madaling mag-init ang ulo. Iwasan ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyaw. Lucky numbers at color for the day ay 18, 20, 23, 35 at orange.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kahit anong paanyaya dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na maglakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 15, 18, 28, 30 at pink.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

IWASAN

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with