^

Kutob

Agosto 26, 2015

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang makakapigil sa kalooban ng Diyos sa akin. Ang kasaganahan, maganda at masayang buhay ay matatamasa ko.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isip. Walang magiging sagabal at tiyak matatapos ang gawain. Sa tahanan, susubukan ang iyong pasensiya sa dapit-hapon o gabi. Pairalin ang pagkamahinahon nang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Sa tiyaga at sipag, makakamit ang tagumpay. Sa mga tamad, kahirapan pa rin ang daranasin. Kung gustong umangat sa kahirapan, dobleng sipag at tiyaga ang gawin. Kung may planong gawin para sa kaunlaran, simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Sa gawa at hindi sa salita ang sukatan ng tunay na pag-ibig. Kung ang manliligaw ay magbibigay ng bulaklak o chocolate huwag nang pakawalan dahil magiging matamis at maligaya ang relasyon. Sa mga may asawa, kung may iuuwing pasalubong si mister o misis, magiging matatag at maligaya ang pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 27, 35 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May linaw ang matagal nang gumugulo sa isip at bumabagabag sa damdamin. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ay siyang magliligtas sa mga taong sasalungat. Magdoble-ingat, malamang may kaibigang mag­huhudas. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 28, 36 at avocado green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung may balak, ituloy at huwag mag-alinlangan. Kung sa kasamaan ang balak, huwag gawin dahil mahuhuli o matutuklasan. Upang maiwasan ang hindi magandang mangyayari, huwag paunlakan ang paanyaya ng kaibigan o barkada. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 24, 35 at pink.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Hindi sinasadya na may matutuklasang lihim. Kung nakakatuwa o nakakalungkot, panahon ang makapagsasabi. Iwasan ang masakit na biro para hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lumalandas sa tamang daan ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Sa mga nag-a-apply ng trabaho, lalo na patungong abroad, inaayunan ng panahon ang tagumpay kung lalakarin sa umaga. Ang mga lalakarin sa hapon ay huwag ituloy dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at oras. Aksiyon ang dapat at hindi panay salita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 36 at yellow.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat dahil magiging malapit ka sa mga taong mapagsamantala. Maiiwasan ang hindi magandang mangyayari kung magiging alerto at hindi magdedesisyon ng walang masusing pag-aaral. Huwag basta maniwala kahit kanino. Ipagpaliban ang transaksiyon o meeting. Lucky numbers at color for the day ay 16, 29, 36, 37 at yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Walang maaasahan na tulong mula sa kaibigan at kahit kanino. Sariling sikap at kayod ka ngayon. Kung may kailangan, huwag lumapit sa iba dahil mapapahiya lamang. Ang maganda, matuwa ka sa hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 42 at red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Madaling magpaunlak ang kamag-anak o kaibigan. Bigyan ng wastong pangangailangan ang kalusugan dahil madaling kapitan ng sipon, ubo o trangkaso. Iwasan ang mabasa ng ambon o ulan at matuyuan ng pawis. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 44 at gray.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung hangad ang mataas na grado, simulan ang magsikap sa pag-aaral ng leksiyon. Walang mapapala kung barkada ang laging haharapin. Sa edukasyon at pinag-aralan lamang ang batayan ng magandang kinabukasan at tagumpay. Ugaliin na hindi mahuli sa oras ng pasukan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 33 at lavender.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Matatanggap ang gantimpala sa pagpapahalaga ng tungkulin o pagsunod ng mga payo ng magulang o guro. Kung nag-aaral, ang nagsisikap ay may gantimpalang mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 38 at lemon green.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HINDI

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

WALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with