^

Kutob

Agosto 25, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kabutihan at pag-ibig ng Dios ang nagpapaunlad sa akin.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung may hinihintay na biyaya, mapapasakamay ito ngayon. Ang palaging nakikipag-argumento sa iyo ay magiging mabait dahil kabigha-bighani ang iyong pagkatao. Kaunting problema sa kalusugan ang iyong makakasagupa o sa isang ka pamilya, agapan kaagad para hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 29, 30 at blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Tama ang iyong hinala sa isang kaibigan pero wala kang karapatan na siya ay husgahan. Kung sangkot sa problema at tiyak mong wala kang kasalanan, ipaglaban ang katuwiran at paninindigan. Bigyan ng malaking agwat ang sarili sa pinaghihinalaan o sa tsismosa o tsismoso. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 20, 36 at green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Hindi maiiwasan ang alitan sa trabaho at kung nangyari na, makakabuting isaayos at kalimutan na. Napakahalaga ng magandang harmoniya sa samahan, kung walang harmoniya ang resulta ay tsismisan at siraan. Madaling maayos ang problema kung idaraan sa mahinahon na usapan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 24, 33 at light blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung ano ang iyong ginawa ay siya rin ang gagawin sa iyo, gintong aral ito. Kung pinag­tsismisan ka, aminin na tsismosa ka rin. Ang mahalaga ay ang kinabukasan, baguhin ang patakaran sa buhay para hindi mabaon sa utang at walang marinig na tsismis laban sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 10, 11, 27, 42 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – “Birds of the same feathers always flocks together,” ‘yan ang kasabihan. Kung ikaw ay tsismosa pawang tsismosa ang iyong makakasama.  Kung isa kang intellectual, panay kasing-uri mo ang makakahalubilo. Kung isa kang sugarol, sugarol din ang iyong makakasama. Nasa sarili kung iwawaglit ang masama at dadamputin ang mabuti para umunlad. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 23, 40 at gray.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Magi­ging mahina ang pulmon. Maaaring may sipon at ubo o masakit ang ulo. Uminom kaagad ng gamot para hindi lumala. Kung isang Libra ang iyong kasama, walang kasing saya ang iyong madarama subalit Leo ang makapagpapainit ng ulo. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 22, 39 at white.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Marami kang alternatibong magagawa kaya huwag magmadali na magdesisyon. Pag-aralan itong mabuti bago pumalaot. Maaaring makasagupa ka ng taong mainitin ang ulo, ang lubos na pag-iingat ay dapat pairalin ngayon. Iwasan ang mga birong makakasakit sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Matutupad ang hinahangad lalo na kung may kinalaman sa paglilipat ng tirahan o bahay. Iwasan ang pagyayabang hanggang hindi pa napapatunayan ang gustong mangyari. Masasangkot ka sa isang relasyon na sa simula ay biruan lamang. Lucky numbers at color for the day ay 14, 16, 34, 39 at peach.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Masuwerte sa lovelife gayundin sa pamilya. Magkakaroon ka ng mahalagang partisipasyon sa paglutas ng isang maliit na hindi pagkakaunawaan sa trabaho o sa pamilya. Isang gawain ang iyong matatapos. Lucky numbers at color for the day ay 17, 25, 40, 41 at indigo.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Tiyak na magtatagumpay ka na makuhang muli ang tiwala nila sa iyo. Makinig sa kutob para makuha ang tamang kasagutan sa personal o professional na suliranin. Iwasan ang sugal at paglalasing. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 14, 22 at red.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang biru-biruan ng mga magkakaibigan ay mauuwi sa seryosong usapin. Bago ituloy ang binabalak, isangguni muna sa mga magulang o minamahal at pakinggan ang kanilang opinyon. May malaking pagbabago ang darating sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 33, 40 at yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Daanin mo sa tawa ang dalang problema na siyang dapat. Pansamantala, hayaan mo ang problema ang siyang mag-isip sa iyo kaysa isipin mo ang problema. Sa ganoong paraan, ang tamang solusyon ay kusang darating. May kadaldalan ang iyong maka­kasama. Huwag mong banggitin ang iyong sikreto. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 28, 34 at green.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

IWASAN

IYONG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with