^

Kutob

Agosto 22, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Tinanggap ko na ang kagalingan sa aking karam­daman.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May dahilan na magalit ka ngayon at kung sakali, ipikit ang mga mata bumilang ng hanggang sampu bago ibuka para magkaroon ng tamang gabay sa dapat gawin. Magandang batayan sa gagawin ang mga positibong pangyayari sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 25, 36 at dollar green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang iyong masamang bisyo ay daan patungo sa ikakasama ng iyong kalusugan. Sa iyong labis na pagpupuyat, pag-inom, pagsusugal at barkada ‘di tatagal iindahin mo ang sakit at hirap. Walang iba kundi sarili ang dapat sisihin. Habang may panahon pa, iwasan ang masamang bisyo bago mahuli ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 19, 37 at brown. 

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Gawin mo ang iyong gusto kahit na sino ang pumigil. Hindi ka magtatagumpay kung sisimulan mo ang iyong binabalak. Kung ipagpapatuloy mo ang iniwanang gawain, makikita ang positibong tagumpay. Iwasang lakarin ang mga follow-ups dahil mag-aaksaya lamang ng oras. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 30, 38 at green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Walang problemang makakasagupa ngayon. Sa trabaho, tahanan, mga kaibigan at maging sa paglalakad sa gabi at sa madidilim na lansangan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 27, 34 at light yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maraming oportunidad ang araw sa iyo, malamang sa negosyo o trabaho. Masuwerte ka kung magsusugal ngunit bigyan ng mahigpit na disiplina ang sarili. Huwag hangaring manalo ng malaki, lalo ka lamang matatalo. Bigyan ng limitasyon ang bawat gawain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 14, 30 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung hangad mo ang kapayapaan ng kalooban sa lumalabong relasyon, suruin ang payong tinatanggap. Ang iyong suliranin sa pag-ibig ay ‘di kayang solusyunan ng sarili, ang tamang solusyon ay mula sa ibang tao. Lucky numbers at color for the day ay 13, 17, 36, 41 at fuchsia.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Walang katiyakan ang takbo ng panahon ayon sa signos ngayon. May tama at mali kang magagawa. Panalangin ang mabisang panangga sa mga negatibong mangyayari. Huwag kaligtaang humingi ng tulong sa Maykapal na malayo ka sa anumang hindi magandang mangyayari sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 12, 21, 25, 37 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magtatagumpay ka sa iyong nilalakad at trabaho, ngunit bibigat ang iyong dibdib tungkol sa relasyon. Malamang matutuklasan mo ang sikreto ng minamahal, na ikakasama ng iyong kalooban. Huwag padala sa bugso ng emosyon dahil talo ka kung mangyayari. Idaan sa diplomasya ang pakikipagkomprontasyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 15, 32 at orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Walang epekto ang anumang pakiusap sa iyo, basta ang sundin mo ay naaayon sa patakaran. Wala kang pakialam sa iba maliban sa mundo ng iyong boss. Sa ganitong gawi kung araw-araw mong isasakatuparan, tiyak marami ang makakalaban o magalit sa iyo, kailangan maging adjustable ka. Lucky numbers at color for the day ay 15, 27, 35, 36 at green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Marami ang humahanga sa iyong matapat na paglilingkod subalit may nagngi­ngitngit dahil sa iyong kataksilan. Walang ibubungang mabuti kung magiging taksil sa relasyon. Ang kapares ang siyang bigyan ng unang prayoridad na hahangaan sa iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 23, 39 at carnilian.   

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Anumang hirap ng trabaho na iyong makakasagupa, balewala ang pagod. Dahil sa iisa ang positibong pakay, kumita ng pera. Maganda at tapat ang layunin partikular sa hanap-buhay, tiyakin lamang na hindi labag sa batas ng tao at langit. Ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan, tiyak may aanihin kang matamis na bunga. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 25, 39 at jade green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag mong bilangin ang sisiw na hindi pa nalilimliman at napisa ang itlog. Kung isa kang broker na namamagitan sa bentahan, huwag hangarin ang over-pricing dahil lalo kang mawawalan. Importante na marunong kang makipagnegosasyon na hindi bulgar na kikita ng malaki. Lucky numbers at color for the day ay 13, 27, 32, 37 at indigo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

IYONG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

WALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with