^

Kutob

Agosto 21, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ugaliing hanapin ang positibo sa bawat sitwasyong kinasasangkutan. Dahil laging binabantayan ng Dios ang katuparan ng Kanyang mga pangako para sa’yo.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o ligaya subalit isang Gemini ang pagmumulan ng problema o sakit ng damdamin. Hangga’t maaari, iwasan ang mga kilalang kapwa Leo dahil kapag may hindi pagkakaunawaan, hahantong sa pangmatagalang tampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 13, 31 at red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung kabutihan ang nagawa, kabutihan din ang tatamasahin. Subalit kung kasamaan ang nagawa, kasamaan ang daranasin. Panahon na ngayon para maibsan ang kasalanang nagawa sa pamamagitan ng pagsisisi at buong pusong panalangin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 31, 39, 42 at pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Maging mahinahon sa pagkilos, pananalita at sa paggawa para maiwasan ang makasakit ng kapwa o magkamali. Suriin at pag-aralang mabuti ang mga papeles na dapat lagdaan. Iwasan ang pagtanggap ng tseke dahil may babalang tatalbog. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 28, 39 at cream o white.  

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging aktibo sa pagkilos, masayahin at maraming matututuhan sa kawang-gawa at pagtulong sa mga kapus-palad. Kung isang Sagittarius ang makakasama, hindi na magkakaunawaan at magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung inaakala na magiging maligaya sa pakikipag-date, nagkakamali ka. Iwasan ang date ngayon, dahil may hindi magandang mangyayari. Malamang magkakatampuhan ang mag-asawa o magkasintahan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 19, 22 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maghanda sa darating at kung inaakalang mabuti o ikauunlad, sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataon na makawala. Magiging maunlad ang negosyo o pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 14, 41 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung may kamag-anak na may sakit, huwag mag-atubiling isugod kaagad ng pagamutan para maligtas ang buhay. Kung walang nagkasakit sa pamilya o kamag-anak, tiyak sagana at kaligayahan ang daranasin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May maganda at kapangitang lilitaw tungkol sa pribadong relasyon o hanap-buhay. Pero huwag mabahala dahil sa huli, ikaw ang magwawagi. Iwasan ang mga taong tsismosa at mapanira. May panahon na maipapakita ang paninindigan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 36, 37 at light gray.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung may tipanan, huwag maging mainipin dahil ang kausap ay maaa­lintanang darating. Ang transaksyon ay pag-aralang mabuti bago pumalaot. Hindi inaaayunan ang paglagda ng mahalagang papeles o kontrata. Kung magpapaluwal ng tseke, tiyakin na may sapat na pondo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 24, 34 at dollar green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang nakalimutang pangako ay tiyak maibibigay. Magaan ang trabaho. Ang pasok ng pera kung may negosyo ay magaan. Iwasan ang maglakbay, maglasing, magsugal, makipag-date at barkada. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 34, 40 at yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang suliranin ng pamilya ay may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Posibleng manumbalik ang harmoniya sa tahanan. Isang Pisces ang makakatulong. Mag-ingat sa kapwa Gemini. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 23, 32 at neon green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag pansinin ang maririnig na pamimikon o pang-aasar ng kasamahan, kasambahay o kaibigan. Dahil inggit lamang ang mga ito. Huwag patulan ang salitang makakasakit sa tainga para maiwasan ang gulo o makasakit ng damdamin ng kapwa. Tawanan ang problema at tiyak makakabawi ng dobleng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 39, 41 at white.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with