^

Kutob

Agosto 20, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi nagbabago ang pagmamahal sa’yo ng Dios. Kaya kahit sa pinakamasaklap na sandali, magtiwala ka sa Kanya.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Pagbabalik-tanaw sa nakaraan ang pagtutuunan ng pansin at makikita kung saan nagkamali. Sa pananalapi magiging matumal ang dating subalit babawi sa darating na araw. Iwasan ang magpautang at umutang dahil mahihirapan sa pagbabayad. Lucky numbers at color for the day ay 19, 21, 25, 43 at red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Bigyan pansin ang kalusugan. Kung may nararamdaman, magpatingin kaagad sa doktor upang hindi lumala. May desisyong gagawin, pag-aralan itong mabuti para hindi magkamali at magsisi. Walang problema sa romansa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 33, 40 at light yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magkakaroon ng pagbabago sa trabaho. Huwag mangamba at lalo pang titibay ang pagsasama ninyo ng minamahal. Magiging masaya ang maghapon. Pag-ingatan ang kalusugan dahil madali kang kapitan ng sipon at ubo. Lucky numbers at color for the day 5, 21, 29, 42 at tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mata­tagpuan ang mahalagang bagay na matagal nang nawawala. Kilalanin ang taong laging kasama dahil may ugaling ahas na gusto kang tuklawin. Mag-ingat at may nag-iisip ng hindi maganda sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 30, 37 at dark blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Simulan ang pananaw na positibo para maging positibo ang resulta ng ginagawa o gagawin. May magmamagandang loob na siyang makakatulong sa suliranin o kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 35, 36 at purple.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magi­ging abala sa paglilinis sa loob at labas ng tahanan, opisina o pinapasukan. Kasiyahan o kalungkutan ang madarama sa maaaring maganap. Iwasan ang paanyaya sa bandang-hapon o gabi. Makakabuti ang magpahinga ng maaga. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 23, 32  at fuchsia.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Mahahanapan ng solusyon ang problemang pinansiyal kung pagsisikapan. Isang kaibigan o kamag-anak ang may hawak ng solusyon sa suliranin, makakatanggap ng balita o liham galing sa dating kasuyo, matalik na kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 32, 42 at white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag hayaang masira ang magandang araw dahil sa pang-aasar at kantiyaw. Labanan ang pagkamagagalitin na hadlang sa matatamong suwerte. Magtatagumpay kung buo ang determinasyon at pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 29, 31, 38, 43 at brown.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mag-ingat sa usa­ping pampuso dahil luha at hinanakit ang matatamo. Pag-isipan muna ng mabuti bago magdesisyon nang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 42 at lilac.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Huwag tigilan ang panliligaw sa sinusuyo dahil may pag-asa na matamo sa hinahangad. Malaki ang pag-asa sa ibig makamit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Ang hinihintay ay maaalintana dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 23, 37, 40, 45 at emerald green.   

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Matutuloy ang planong bakasyon o piknik kasama ang mga kaibigan o pamilya. Makakakilala ng isang opposite sex na muling makakapagpatibok ng puso. Kilalanin siyang mabuti bago magdesisyon para hindi mabigong muli. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 19, 36 at gold.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Iwasan ang magbiyahe ng malayo lalo na kung tatawirin ang dagat. Mabuting gugulin ang panahon sa gawaing bahay. Kung pumapasok nang tuluy-tuloy sa pinapasukan nang maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Makakabuti ang mamalagi sa loob ng tahanan sa pagsapit ng gabi. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 28, 36 at pearl white.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HINDI

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with