^

Kutob

Agosto 1, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Sa anumang paraan, magsikap na makagawa ng bagay para sa Dios.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang nakaraang suliran ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad nang hindi madapa o matalisod dahil magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Bagong pag-ibig ang uusbong sa damdamin. Simulang mag-impok para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay may dahilan na maipagpapaliban. Walang problema sa trabaho ngunit may kaunting gusot sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Hindi magiging abala subalit maraming mahahalagang gawain na matatapos. Panindigan ang prinsipyo para hindi maloko ng iba. Darating ang hinihintay. May magseselos. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat paglabanan. Kailangang ayusin ang mga gastusin. Magiging abala sa mga gawain. Makiisa sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, anumang  hirap o bigat ng gawain ay magaan na mairaraos. Nakabuntot ang pagkakamali kaya konsentrasyon ang kailangan kung gumagawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkakaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan. Umaayon ang panahon sa proyektong pangkomunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May pagkakagastusan na hindi maiiwasan subalit ang magandang balita ay lumalandas ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at orange.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Kailangang mag-ingat sa paggastos para may maitabi. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at blue agate.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magiging masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang-halaga at panahon ang pag-aalaga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pangkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Handa ka ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang mga kaibigan ay maasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakakilala ng bagong kaibigan na malamang makakatulong. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

STRONG

UMAAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with