^

Kutob

Hulyo 31, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Anuman ang sitwasyong kinakaharap ko, pinagkakatiwalaan ko ang Dios na pinagmulan ng lahat ng bagay sa buhay ko.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magagampanan ang mga gawain ng buong husay at walang sagabal. Iwasan ang anumang paanyaya para maiwasan ang hindi magandang mangyayari. Magiging insperado ka dahil sa pag-ibig subalit iwasan ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 23, 33 at indigo.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang magalit ay magbibigay ng negatibong resulta sa kahit anong gawain. Kung pag-uukulan ng panahon ang problema, madaling makakahagilap ng solusyon. Iiral ang pagkatamad o pagkatamlay, sikapin na mapaglabanan para umunlad. Lucky numbers at color for the day ay 21, 25, 37, 41 at emerald reen.

LIBRA Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasan ang magmukmok, maging emosyunal at magpadala sa problema dahil lalala lamang. Kilos ang kailangan dahil nasa unahan lamang ang solusyon. Maging kalmado at mahinahon para makapag-isip ng magandang solusyon. Positibo ang resulta ng binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 11, 17, 36, 43 at beige.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung matamlay ang pakiramdam ngayon, paniningil ito sa pag-abuso o pagsasawalang bahala sa kasluusgan. Magpa-check-up kaagad para hindi lumala. Kung walang karamdaman, maraming positibong bagay ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 29 at sky blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung ang hangad ay tagumpay, gamitin ang lakas ng loob, talino sipag at tiyaga. Napapanahon para pagyamanin ang angking talino at tiyak tatahakin ang landas na pag-unlad. Walang tagumpay na matatamo kung hanggang pag-iisip lamang sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 39, 40 at peach.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Gantimpala ang matatanggap sa mga nagawang kabutihan. Kabaligtaran naman sa mga hindi gumawa ng mabuti dahil panahon ng paniningil at pagbabayad sa ginawa. Baguhin ang masamang ugali na alam ng sarili para hindi layuan ng suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 34, 42 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung inaakalang maraming magagawa ngayon, nagkakamali ka. Kung hindi mapaglalabanan, iiral ang katamaran. Magiging maikli ang pasensiya na siyang magiging dahilan ng madaling pag-iinit ng ulo. Iwasan ang magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 34, 42 at honey yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mabilis at alerto ka ngayon. Kung may pangako ka o sa iyo, tiyak matutupad. Huwag magbakasakali dahil negatibo ang resulta. Iwasan ang salitang makakasakit sa damdamin ng kapwa dahil may magre-react at hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 38, 42 at blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Pagtuunan mo ngayon ang mga mahahalagang dokumento o mga papeles. Kung babaguhin ang masamang ugali, manunumbalik ang paggalang at respeto ng kapwa. Umaayon ang panahon sa pagbabago ng masamang ugali para maalis ang malas. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 28, 40 at jade green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Alam ng sarili ang masamang ugali na palaging umiiral at kung ito ay babaguhin, tiyak magbabago rin ang takbo ng buhay patungo sa kabutihan. Maging tapat at magpakatotoo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 26, 30 at light brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Aksyon kaagad sa suliranin dahil kung hahayaan, lalala. Huwag hayaang makaalpas ang magandang pagkakataon dahil hindi na kailan man ito maibabalik. Katuwiran mong maniwala sa sariling opinyon ngunit huwag asahan na palagi kang tama. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 31, 38 at lavender.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung may lakad o lalakarin, gawin pagkalipas ng tanghali para ma­ging positibo ang resulta. Iwasan ang manghiram o magpahiram ng kahit anong bagay. Sa halip na magmukmok sa kakaisip, kumilos nang may makitang resulta. Lucky numbers at color for the day ay 3, 23, 24, 34 at cream.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COLOR

DAHIL

DAY

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

PARA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with