^

Kutob

Hulyo 30, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Buong puso, buong isip, buong kaluluwa ilaan sa Dios, kaysa pagkaabalahan ang mga negatibong bagay na makakasakit sa iyong kapwa.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Alam ng damdamin ang sariling limitasyon. Iwasan ang magkunwari. Magpakahinahon dahil madali kang magagalit sa biro, kantiyaw o mangungulit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 10, 17 at white.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Kung nagsisi, walang ibang babalikan kundi sarili. Ang pagkakamali ay batayan para matuto. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 37, 42 at strawberry red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Tamang panahon para hanapan ng solusyon ang suliranin. Harapin ang katotohanan. Kung nagkasala humingi ng tawad at kung may nakagawa sa’yo ng mali, magpatawad. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 24, 30 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang makipagsosyalan ay inaayunan ng panahon. Sa impluwensiya ng signos, magiging masayahin. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 35, 39 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung may balak na lumagay sa tahimik, ngayon pag-usapan para tamasahin ang kaligayahan sa pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 20, 26 at electric blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Hangga’t maaari, maglaan ng panahon para makapagpahinga. Makakaranas ng kasiglahan sa bandang hapon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 38, 40 at aquamarine.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang nakalipas ay maaaring lumitaw na siyang ikakagalit. Pagtuunan nang maresulba. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 22, 30 at honey yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang hindi pagkakaunawaan ng pamilya ay matatapos na. Ang nakaraan ay manunumbalik,  ihanda ang sarili sa kagalakan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 23, 39 at blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hanapan ng paraan na maging abala kahit walang gaanong gawain. Paglilinis at pag-aayos ng tahanan, opisina o pinapasukan ang magagampanan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 18, 42 at yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kahit mabagal o maliiit ang simula, kung daragdagan ang sipag at tiyaga, masusulusyunan ang suliraning pinansiyal. Mahigpit na pagba-budget ang kaila­ngan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 29, 36 at aquamarine.   

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magandang pagkakataon para magsimula ng negosyo. Makakahanap ng paraan para magkaroon ng seguridad ang sarili. Tatahakin ang tamang landas sa buhay kung makikinig sa payo ng mga magulang. Lucky numbers at color for the day ay 12, 18, 23, 33 at ruby red.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Ang pagkamaru­nong at pagka-ismarte sa mga gawain ay mapapansin ng  boss. Ang suliranin sa pag-ibig o sa trabaho ay kailangan ng pagpapakumbaba at pang-unawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 14, 29, 41 at pearl pink.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

DISYEMBRE

ENERO

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with