^

Kutob

Hulyo 28, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa araw na ito, puputaktihin ako ng positibong bagay.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ngayon sundin ang dikta ng isip at damdamin, at tiyak tagumpay ang matatamo. Huwag ipagpabukas kung ano ang dapat gawin. Kilos kaagad kung may gagawin dahil malaki ang pakinabang na naghihintay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 36 at honey yellow.

 

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Huwag mag-alinlangan at ipakita ang kanilang inaasahan dahil dagdag ito ng respeto sa sarili. Mapagtitibay ang harmoniya sa tahanan o pinapasukan. Maayos at walang suliranin ang takbo ng panahon sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 26, 41 at red.

 

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag mawalan ng pag-asa sa mga ipina-follow up. Dahil kung may tiyaga, may mapapala. Huwag pilitin dahil kung sadyang ukol ay talagang bubukol. Lucky numbers at color for the day ay 8, 25, 39, 42 at dollar green.

 

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Wala ka ngayon sa sarili dahil sa taglay na suliranin at kung magpapadala sa emosyon ay lalong lalala. Magpasalamat dahil sa tulong ng signos, madali kang makakahagilap ng solusyon. Mabilis ang solusyon kung tututukan ang problema. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 19, 32 at white.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung ano ang ginawa ay siya ring gagawin sa iyo. Huwag magtaka kung may tao o bata na walang galang. Huwag magtaka kung makakasagupa ng masungit. Huwag magtaka kung matsismis, panahon na ng pagbabago ng masamang ugali. Lucky numbers at color for the day ay 18, 29, 34, 37 at baby pink.

 

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – May dahilan na maging malungkot. Ang dapat hanapin ang paraan para sumigla. Malamang may mawawalang bagay subalit ang maliit na bagay na mawawala ay may kapalit na doble kung ipananalangin na makatulong ito sa nakakuha o nakadampot. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 26, 34 at tangerine.

 

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Sa kagipitan, malaking pagkakataon na malantad ang likas na talino. May hindi inaaasahang pangyayari na dapat pasalamatan. May mga pangyayari na makapagbubukas ng tamang landas sa kaunlaran, mangyayari ito ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 15, 20, 27, 41 at mint green.

 

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Nasa gitna ka ng tungkulin at pamilya na kapwa ka kailangan. Sundin ang damdamin at tiyak doon ka nararapat. Ang desisyon na gagawin kung magiging matatag at buo ang loob, tagumpay ang makakamit. Lucky number at color for the day ay 1, 14, 23, 40 at yellow.

 

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang kayabangan ay magdudulot ng maraming sama ng loob. Baguhin ang maling ugali bago mawalan ng kaibigan. Ang inaakalang maling nagawa kung sisimulang baguhin, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 28, 34 at pearl pink.

 

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May nabubuong hinala ang minamahal o boss. Kung may itinatago, tiyakin na hindi matutuklasang dahil pagmumulan ito ng gulo. Kung hindi mag-iingat, malalantad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 23, 38 at beige.

  

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Maging kalmado at mahinahon dahil makakasagupa ng mga taong makulit o may pagkapilosopo. Iwasan na mag-init ang ulo. Iwasan ang magpadalus-dalos dahil kapahamakan at pagsisisi ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 22, 34 at citrine yellow.

 

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Kung may alitan sa nakaraan, tamang panahon para ayusin dahil magiging magaan ang solusyon. Ang inaakalang mahirap gawin ay napakagaan na magagampanan. Kung positibo ang iniisip, positibo ang resulta ng ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 32, 40 at aquamarine.

 

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NBSP

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with