^

Kutob

Hulyo 27, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Walang maliit o malaking karamdaman sa perpektong doktor ng sanlibutan, si Hesus na manunubos at tagapagligtas ng lahat.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan na mag-init ang ulo para malayo sa basag-ulo. Ang bawa’t taong makakausap ay nangangailangan ng paliwanag kaya hinahon at pasensiya ang kailangan. Maaaring maka­tagpo na sasalungat sa gusto o mungkahi. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 29, 33 at green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung ituloy ang paglalakbay, may malaking pakinabang sa sarili o sa trabaho. Ang planong paglalakbay ay dapat isakatuparan. Iwasan ang mamasyal o lumakad nang walang mahalagang sadya. Iwasan ang makipag-date at tiyak magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 27, 38 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang pagtulong ay malinis na hangarin subalit ibigay sa tamang nangangailangan nang maiwasan ang malinlang. Sigla ng katawan ang dahilan kung kaya mabilis at walang sagabal na matatapos ang sinimulan. Mag-ingat sa matatalim at matutulis na gamit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 33, 40 at aqua blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Masigla dahil sa dulot ng pag-ibig. Naaayon ang makipag-date o makipagtagpo sa kasintahan. Ang pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan, kagalakan, gaan ng damdamin at magandang pakiramdam. Sa negoyso, matumal. Lucky numbers at color for the daya y 4, 23, 40, 42 at red rose.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Iwasan lumagda ng mahalagang papeles o kontrata na hindi nauunawaan ng mabuti. Huwag pilitin ang sarili kung may duda at tiyak kapahamakan ang mangyayari. Ipagpapaliban ang binabalak na pagbabago para sa kaayusan ng pamamahay, opisina o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 41 at emerald green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan ang makulit at mapagbiro dahil iiral ang kasamaan ng iyong ugali na handang makipag-away. Iwasan ang magalit na siyang magdadala ng tamlayan. Iwasan ang mangako at tiyak walang katuparan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 25, 33 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Sa kabuhayan, magagawa ngayon ang gantimpala. Magiging pangu­nahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Isang anak, kapatid o kamag-anak ang nangangailangan ng tulong tungkol sa pag-aaral. Magaan ang tulong kung buong pusong ipagkakaloob. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 37, 42 at sun yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang sino mang magbenta o humingi ng tulong ay dapat na suriing mabuti bago paunlakan. Magiging masayahin at mada­ling malapitan ng kahit sino, pero mag-ingat at baka maloko. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala at manloloko. Ang desisyon ay pag-aralan ng mabuti bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 21, 32 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magmumukmok at mag-iisip nang hindi kumikilos, kaya walang mapapala. Ang maghangad ng kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at kalakip ang sipag, tiyaga at pagkilos. Tiyakin na nasa malinis na paraan nanggagaling ang ipinapakain sa pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 35, 41 at indigo.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Habang may buhay, may pag-asa. Malaki ang pagkakataon na matanggap ang inaasahan. Kung sipag at tiyaga ang paiiralin, walang paltos na makakamit ang minimithi. Hirap ang aanihin ng tamad. Simulan ang pagbabanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 33 at jade green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Maaaring makakilala ng taong makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na kailangan. Kung may panahon na makipagsosyalan, maaaring makatagpo ng bagong kakilala at magkakaroon ng pang matagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 34, 36 at shocking pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang gagawing desisyon ay may bungang pipitasin. Malakas ang ESP kaya kung anuman ang kutob, isagawa. Huwag magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong tiwala, hindi na mababayaran. May magandang balitang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 37, 40 at electric blue.

 

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with