^

Kutob

Hulyo 25, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang masiglang katawan, aktibong isip, suporta ng pamilya ay ilan lamang sa umaapaw na mga biyayang laan sa akin ng Panginoon sa araw na ito.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag gawin ang bagay na akala ay hindi matatanggap ng iba. Magiging kabaligtaran ang mangyayari. Ang akalang mali ay magiging tama, at ang tama ay magiging mali. Kumunsulta kung hindi nakakatiyak. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 23, 40 at beige.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang selos ay kakambal ng pag-ibig subalit kung labis, gulo ang kahahantungan. Pag-usapan ng mahinahon at tiyak magkakaroon ng magandang solusyon. Huwag patulan ang mang-aasar. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 33, 45 at green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Dahil sa pangungulit ng kaibigan, mapipilitang sumama sa lakaran. Pero hindi ito panghihinayangan dahil makikilala ang matagal nang hinahangad. Ngayon mapapatunayan na may kaibigan na nagmamalasakit. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 33, 41 at gray.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Taliwas sa inaasahan, magiging malungkot ang araw dahil sa kawalan ng makakausap sa problemang nagpapagulo sa isip. Kung ang problema ay tungkol sa pag-ibig, huwag dibdibin dahil nasa landas ang tunay na pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 34, 40 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maging tapat sa minamahal. Iwasan ang bawal na pag-ibig. Iwasan ang mamangka sa dalawang ilog kung gusto mong lumigaya. Ang ganti sa kataksilan ay pagtataksil din. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 33, 41 at pearl white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Hindi lahat ng makakausap ay madaraan sa karisma. May makakatagpong higit pa sa sakit ng ulo ang idudulot sa iyo. Magpasensiya at magparaya para maiwasan ang hindi kanais-nais. Lucky numbers at color for the day ay 17, 29, 32, 43 at lilac.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iwasan ang maglasing para maiwasan ang hindi magandang pangyayari. Kung makakasagupa ng taong arugante o mainit ang ulo, pairalin ang pagkakalma at pagiging mahinahon. Iwasan ang pabigla-biglang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 19, 39 at jade green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag ma­ging emosyonal kung may problema dahil ang solusyon ay nasa tabi lamang kung pagsisikapang hanapin. Sikaping mag-relax at pakalmahin ang sarili, maraming solusyon ang mapagpipilian. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 29, 36 at electric blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag mangarap ng gising. Magpakatotoo. Iwasan ang maging mayabang dahil ang balik ay kahihiyan. Mag-ingat dahil ang tinatago ay malamang matuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 23, 42 at garnet.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ikaw ang makakalutas ng sariling suliranin. Wala kang tulong na maaasahan kahit kanino. Sariling sikap ka ngayon subalit nasa tamang landas ang solusyon kung magiging positibo ang isip. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 27, 38 at orange.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging mabilis ang pangyayari. Malalaman na lang na mahuhulog na ang kalooban sa malapit na kaibigan. Huwag basta magtiwala. Walang masama kung tutuklasin muna ang isang bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 32, 38 at white.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung may duda, hingin ang opinyon ng higit na nakakaalam bago umaksiyon. Kapahamakan ang naghihintay kung magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 4, 28, 32, 45 at magenta.

 

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with