^

Kutob

Marso 29, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Walang mas malakas, maimpluwesiya o higit na mayaman kung ang Dios na makatuwiran ang nasa iyong panig.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –  Makakatanggap ng pabuya sa isang bagay na nagawa. Iba ang tuwa na mararamdaman dahil hindi ang mangyayari ang inaasahan. Magbabalik-tanaw sa nakalipas at makikita ang pagkakamaling nagawa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 26, 33 at tangerine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magplano at pag-isipang mabuti bago gumawa ng desisyon dahil malaki ang pagkakataon na magkamali. Mahirap magsimula ng walang malinaw na basehan. Walang magandang resulta na maaasahan kapag nagkataon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 21, 37, 42 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ihanda na ang sarili sa mga pagbabagong nakatakdang mangyari. Huwag hayaan na umiral ang takot dahil masisira ang diskarte. Tiyakin na maging matatag ang sarili at huwag agad sumuko kahit ano ang mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 14, 25, 31, 43 at avocado green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – May mabisa at murang paraan  na mapapasaya ang sarili nang hindi kailangan gumastos ng sobrang mahal. Kailangan ngayon ang magtipid lalo na’t may pinaplanong bilhin o pagkagastusan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 23, 45 at red.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Panatilihin ang pagka-simple. Higit kang kaakit-akit sa katangiang ito. Maraming kaibigan ang matutuwa at hindi mangingiming lumapit dahil sa taglay na katangian. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 28, 36 at rose quartz.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Isang kaibigan o kamag-anak ang hihingi ng tulong. Kung kaya, huwag pagkaitan dahil may biyayang ganti na naghihintay. Magiging mabisa ang payo na matatanggap o ang iyong payo sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 26, 39 at carnation pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Masama man ang gising, huwag hayaan na masira ang buong araw. Pilitin na hanapan ng paraan para gumanda ang pakiramdam. Mag-exercise o magpapawis. Hanapan ng paraan na maging abala ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 25, 38 at scarlet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maganda ang bakas ng mukha ngayon at masigla ang pakiramdam. Bagama’t totoong napagod ng husto nitong mga nagdaang araw, ngayon ay makakabawi at makakapagpahinga ka. Lucky numbers at color for the day ay 1, 16, 24, 33 at purple.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Pangit man ang naging resulta ng iyong grado o performance. Hindi dapat panghinaan ng loob. Makakabawi ka sa susunod kung pagsisikapan. Nasa sariling pagsisikap kung ang hangad ay tagumpay sa anumang ginagawa o gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 27, 33 at cream.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maaaring nasa eskwelahan ka o nasa trabaho, pero ang konsentrasyon ay wala dahil nasa isang taong umuukupa ng espesyal na bahagi ng iyong pagkatao. Huwag mangarap ng gi­sing. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 30, 41 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Mapagtatanto ang kamaliang nagawa sa kaibigan. Hindi pa huli para humingi ng tawad o paumanhin at gawin bago tuluyang masira ang pagkakaibigan. Walang masama kung aangkinin ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 31, 40 at gray.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kaila­ngan ang pahinga para makabawi ng lakas. Huwag pagurin ang sarili sa mga bagay na hindi naman mahalaga. Gamitin sa wasto ang oras at kakayahan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 25, 39 at brown.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with