^

Kutob

Marso 27, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Ang kabutihan ng Dios ang nagbibigay kapanatagan sa akin.               

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ingatan ang kalusugan. Magiging smooth sailing sa aspeto ng pag-ibig at maipapamalas ang artistic mind. Kailangan ng maselang pagpaplano tungkol sa pinansiyal na kalagayan. Magplano at humanap ng paraan para magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan. Ang Cancer, Capricorn o Taurus ay maaaring makatulong sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung may balak na magbiyahe nang malapit o malayo maisasakatuparan nang walang sagabal. Mas mauunawaan mo ngayon kung ano ang ipinagtatampo o ikinagagalit ng kasambahay at mahahanapan ng solusyon para manumbalik ang harmoniya. Magiging stable tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 20, 32, 39 at jade green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magkakaroon ng maraming activities subalit pagtuunan ng pansin ang dobleng pag-ingat sa anumang mangyayari. Dapat tapusin ang anumang sinimulan bago magsimula ng panibago. Naaayon ang makipag-sosyalan lalo na sa affairs tungkol sa trabaho. May pahiwatig na isa sa pamilya ay nagbabalak umalis sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 25, 43, 45 at sun yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansiyal. Hahangaan ka ng isang Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa trabaho o kahusayan sa pag-ayos ng sarili. Walang magiging problema sa trabaho ngunit may kakaharapin kang pagsubok tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 6, 29, 36, 42 at crimson.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Maraming masayang pangyayari ang maaaring maganap. Magiging pinakamasaya ang buhay sa piling o pakikisama sa isang kapwa Leo. Makakasagupa ka ng kagipitan kung hindi magiging maingat sa paggastos. Hindi maiiwasan na ikaw ay magselos o pagselosan. Malaking papel ang gagampanan sa iyo ng Cancer o Pisces. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 42 at pink.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung single, matutuon ang panahon at atensyon sa pagpaplano tungkol sa pagaasawa o pagpapakasal. Kung married, matutuon ang pansin o atensiyon sa kaunlaran ng pamumuhay, negosyo at pamilya. May hatid na kakaibang balita ang may inisiyal na B o E. Maaaring magkaroon ka ng atraksyon sa isang Taurus o Aries. Lucky numbers at color for the day ay 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon at desisyon. Matutuon ang atensiyon at panahon sa basic issues tulad ng pet care, general health o kung papaano mapapaunlad ang kabuhayan. Malaki ang magiging bahagi ng Pisces, Capricorn o Aries. Maging kal­mado at huwag pabigla-bigla lalo na kung ito ay may kinalaman sa buhay may-asawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 27, 32, 35 at tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kalituhan ang hatid sa iyo ng kapwa Scorpio na maaaring pagmulan ng sigalot, pagseselos o inggit. Malaki ang magiging papel ng isang Capricorn upang mapokus ang iyong atensyon sa pag-a-abroad o pagbili ng bahay at lupa. Lucky numbers at color for the day ay 19, 28, 31, 44 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maikli ang magiging bahagi ng isang Capricorn na may kinalaman sa iyong pangarap na edukasyon, paglalakbay o promosyon. Makakaharap ka sa pagsubok na kakailanganin timbangin ang mga pangyayari. May magandang  hatid na balita ang isang Taurus at magbibigay sa iyo ng aspetong legal ang Scorpio. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 23, 45 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ayusin ang pakikipagrelasyon nang hindi ka mapahamak. Mag-ingat sa iyong mga gamit lalo na ang mga alahas at pera, itagong mabuti. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho at pamilya. Tamang panahon upang pagtuunan ng pansin ang mga pangarap, ambisyon, pananalapi o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 31, 39 at ocean blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Malaki ang magi­ging bahagi sa iyo ng isang Gemini o Aquarius na maaa­ring ikaligaya o ikalungkot. Ipokus ang iyong gawain sa pag-i-invest, maging sa trabaho na may kinalaman sa fashion, news o entertainment. Huwag tanggihan ang darating na imbitas­yon dahil maaaring dito mo makilala ang iyong soul-mate. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Malamang makasagupa mo ang isang Gemini o Sagittarius na magbibigay ng hindi mo makakalimutang pangyayari. Mas pagtutuunan mo ng panahon ang tungkol sa iyong mga binabalak at ambisyon. Makakaharap ka sa maraming katanu­ngan kaya nakasentro ka sa highest-pick ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 25, 41, 43 at corn yellow.

vuukle comment

COLOR

DAY

ISANG

LUCKY

MAGIGING

MALAKI

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with