^

Kutob

Marso 24, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang tunay na kaligayahan ay mararanasan kung matututunang maging kontento at magpa­sa­lamat sa Dios anuman ang kalagayan sa buhay.         

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Pinakamasaya ang pakiramdam kung matatapos ang mga gawain. Kilos hangga’t maaga subalit kailangan ang lubos na pag-iingat sapagkat kung may mangyayaring hindi maganda, malamang magdudulot ng sama ng loob. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 32, 41 at pink.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang suliranin ang magiging dahilan sa pagka-emosyonal. Sa matutuklasan na lihim na tagahanga ang lahat ng suliranin ay parang bola na mawawala. Lahat ng suliranin ay may katapat na tamang solusyon na dapat harapin at hanapin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 31, 40 at aqua blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Iwasan ang mga kaibigang nagsimula  sa A, B at N ang pangalan dahil magbibigay ito ng hinanakit. Isang kapwa Gemini o Taurus ang makapagbibigay ng kasiyahan, galak o tulong. Kung may lalakarin, mabuting may kasama. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 42 at mint green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – May matatanggap­ na mahalagang balita sa pamamagitan ng sulat o tawag na maaaring makapagbago ng takbo sa gawain. Nasa pagitan ka ng tama at pagkakamali. Tiyakin na huwag maging padalus-dalos sa paggawa ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 21, 32 at orange.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Masayang pangyayari ang malamang darating. Ang mga kasamahan o kasambahay ay handang makiisa sa gustong gawin. Maha­lagang panindigan ang pasya, maging ito ay tama o mali. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 39 at red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Mag-ingat sa gina­­gawa para matiyak na mapalayo sa sakuna. Isang kaibi­gan ang nangangailangan ng pansin o tulong. Tiyakin na mabigyan ng panahon at pagpapahalaga ang taong lalapit. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 28, 38 at lavander.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Panahon ng pag­paplano ng pagpapamilya. Ang balak na pagpapakasal ay naaayon sa panahon. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya at sa ikakaunlad ng sarili. Hangga’t maaari, iwasan ang mangako dahil hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 7, 28, 37, 42 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Bigyang pansin at wastong pag-aalaga ang kalusugan. Kung may dinaramdam, makakabuting magpatingin o kumunsulta sa doctor. Ang pagpapahinga kung may pagkakataon ay dapat. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 31, 42 at avocado green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) –­ Ipagpaliban ang binabalak na pagbabago o pag-aayos ng bahay, pinapasukan o opisina. Huwag magmadali sa pinapangarap at tiyak darating ang tamang panahon. Isang bagong tagahanga o manliligaw ang darating sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 23, 35, at white.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kaligayahan ang maglingkod sa kapwa na siyang mangyayari. Aanihin ang matamis na bunga ng pagtitiis at paghihirap. Maaaring may makialam sa ginagawa kaya dapat habaan ang pasensiya dahil maaaring madaling mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 27, 38 at green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) –  Kaligayahan mula umaga hanggang gabi ang naghihintay sa iyo. Makakatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga binabalak na siyang magiging malaking tulong sa hanapbuhay. May matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 34, 36 at rose quartz.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Huwag mag-alinla­ngan. Iwasan ang labis na pagseselos sa minamahal. Malamang hahantong sa matinding tampuhan o hiwalayan kung may alitan dahil sa selos. Huwag makinig sa sulsol o tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 22, 40 at gray.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

ISANG

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with