^

Kutob

Marso 23,2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Walang malaki o maliit na sakit sa Dios, sa panga­lan Niya gagaling ako.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –  Dahil sa kasiglahan magagampanan ang gawain ng buong husay at walang sagabal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 22, 33 at indigo.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Alam ng sarili ang masamang ugali, kung babaguhin tiyak magbabago ang takbo ng buhay patungo sa kaunlaran. Disiplina sa sarili ang taglayin sa bawat salita, kilos at gawa. Lucky numbers at color for the day ay 1, 25, 27 at jade green.

GEMINI (Mayo 21- Hun­yo 21) – Kung inaakala na maraming magagawa ngayon, nagkakamali dahil ang katamaran ang siyang maghahari, na dapat paglabanan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 33, 34, at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hul­yo 22) – Magandang gantimpala ang matatanggap sa mga nakagawa ng kabutihan. Sa nakagawa ng kasamaan, ito rin ang daranasin dahil oras ng pagbabayad sa ginawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 23, 31 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag magmukmok at maging emosyonal dahil walang mangyayari. Maging kalma at mahinahon, isipin ang magandang solusyon at tiyak makakahagilap ng magandang paraan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 36, 43 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Maging alerto sa gawain. Kung may pangako, tiyak maisasakatuparan. Iwasan ang mga salitang makakasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 30, 39 at beige.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung ang hangad ay tagumpay, gamitin ang lakas ng loob, talino, sipag at tiyaga. Napapanahon para pagyamanin ang angking talino para tahakin ang tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 26, 37 at white or dirty white.

SCORPIO Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maging alerto sa paligid kung nasa labas ng bahay. Kailangan ang lubos na pag-iingat sapagkat maaaring mawalan ka ng gamit. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 13, 28 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maa­aring hihingin ng katawan ang paglilibang. Tiyakin na hindi mangutang dahil mahihirapan na makabayad. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 10, 14 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –Mala­king pagbabago ang mangyayari sa buhay kung iiwasan ang mga tsismosa. Huwag magtiwala kahit kanino ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 19, 21, 31, 41 at dollar green.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) –  Pigilin ang sarili dahil magiging mainit ka sa pag-ibig. Makakabuti na pairalin ang disiplina. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 27, 32 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Masigla kung itutuloy ang pag-aayos ng tahanan o ng pinapasukan. Patawarin ang nagkasala para gumaan ang hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 38 at brown.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

ENERO

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with