^

Kutob

Marso 5, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa lahat ng bagay ay pinagtatagumpay ako ng Dios.

PISCES (Pebrero 19 Marso 20) — Huwag maniwala sa tsismis. Makakabuting tiyakin muna ang lahat bago magdesisyon dahil nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Walang mawawala kung aalamin ang mga detalye bago magpasya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 10, 19, 37 at pink.

ARIES (Marso 21 Abril 19) – Maraming oportunidad ang darating kaya huwag magpabaya nang may mapala. Iwasan na patangay sa bugso ng damdamin dahil dadalhin ka sa kapahamakan. Lucky numbers at colr for the day ay 2, 8, 15, 29 at scarlet.

TAURUS (Abril 20 Mayo 20) – Kung may binabalak na magsauli ng mahalagang bagay na napulot, malaking tulong sa tunay na may-ari at may pabuyang makakamit. Ang pagdalo sa isang seminar ay magdudulot ng karagdagang kaalaman sa binabalak na negosyo o hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 29, 32, 38 at blue.

GEMINI (Mayo 21 Hunyo 21) – Nasa pagitan ka ng kulang sa oras sa pamilya at trabaho. Nasa iyong desisyon kung ano ang dapat gawin. Gamitin ang kutob dahil malakas ang ESP. Ang problema ay mahahanapan ng solusyon sa tulong ng kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 30, 42 at tangerine.

CANCER (Hunyo 22 Hulyo 22) – Huwag balewalain ang pagsisikap dahil nasa tamang landas ka ng tagumpay sa negosyo ngayon. Ang kalusugan ay dapat bigyan ng tamang pansin at tamang pangangalaga. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 28, 39 at jade green.

LEO (Hulyo 23 Agosto 22) – May mga suliranin ang kasambahay na dapat pakialaman para agarang mabigyang lunas. Ordinaryo ang takbo ng mga bagay at gawain. Ang suliranin sa relasyon ay magkakaroon ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 27, 40 at white.

VIRGO (Agosto 23 Setyembre 23) – Kung gustong matupad ang binabalak, kailangan ang sipag at tiyaga. Huwag mangarap ng labis dahil masasaktan ka lamang kung mabibigo. Sipag at tiyaga ang kailangan para makamit ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 31, 43 at lavender.

LIBRA (Setyembre 24 Oktubre 23) – Alam ng sarili kung ano ang masamang bisyo. Mabuting putulin ito dahil kapahamakan ang patutunguhan kung ipagpapatuloy. Ang masamang bisyo at pagkakamali ang magtataboy sa mga biyayang tinatamasa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at apple green.

SCORPIO (Oktubre 24 Nobyembre 22) Magpapakita ng pagkabahala ang isang kaibigan na matagal nang may lihim na damdamin, dahil sa kasalukuyang manliligaw. Makakabuti na pahalagahan ang katapatan at tiwala ng isang malapit na kaibigan kaysa bagong nakilala. Huwag magtiwala sa bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 12, 25, 31 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 Disyembre 21) – Kung sipag ang gagamitin, tiyak makakamit ang tagumpay na pinapangarap. Matamis na bunga ang pipitasin mula sa pagsisikap sa tungkulin. May surpresang matatanggap. Sagittarius ang magbibigay ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 29, 45 at sky blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag ipagwalang bahala kung may matatanggap na babala para maiwasan ang panganib. Ang inspirasyon sa pag-ibig o gawain ay magdudulot ng lakas at liksi sa pagkilos. Malulutas ang problema. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 32 at brown.

AQUARIUS (Enero 20 Pebrero 18) – Huwag magpadalus-dalos sa pagsasalita para maiwasan na makasakit ng damdamin ng kapwa. Maaaring maging ugat ng pagkainis ang mga usapan sa paligid. Iwasan na magmura at mag-int ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 20, 31, 40 at strawberry red.

 

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with