^

Kutob

Marso 4, 2015

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ng kabutihan ay galing sa Dios dahil Siya ay mabuti sa lahat ng pagkakataon.

PISCES (Pebrero 19 Marso 20) – Iwasan ang hindi inaasahang pana­uhin dahil may dalang balita na makapagpapainit ng ulo o may kailangan na hindi kayang ibigay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

ARIES (Marso 21 Abril 19) – Ang gawain na hindi napapansin noon ay matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – May gantimpalang naghihintay sa pagbibigay ng tulong o abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin at gustong gawin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang makipag-isa sa tahanan, maging sa mga kasamahan at kaibigan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay mada­ling mahanapan ng solusyon dahil magiging malambing ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

CANCER (Hunyo 22 Hul­yo 22) – Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may magyaya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

LEO (Hulyo 22 Agosto 22) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok ng iyong pagtitimpi. Libangin ang sarili sa paggawa ng mag-isa o sa pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

VIRGO (Agosto 23 Set­yembre 23) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ng buong tatag at pananagutan ang desisyong ginawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

LIBRA (Setyembre 24 Oktubre 23) – Saan ka man naroroon, ano man ang iyong gagawin, alalahanin palagi ang sariling kaligtasan. Mag-ingat sa pagmamaneho ng sasakyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine.

SCORPIO (Oktubre 24 Nobyembre 22) – Pag-aralan kung sa anong paraan maipapakita ang tunay na pagmamahal na hindi magiging landas ng pagsasamantala ng iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 Disyembre 21) – Kakapusan ang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan. Unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 22, 42 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 Enero 19) – Magiging masuwerte sa negosyo kung sisimulan ngayon. Iwasan ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

AQUARIUS (Enero 20 Pebrero 18) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol para hindi magkamali o makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with